CHAPTER 25

153 7 0
                                    

FELIX'S POV

Sabi nga sa lyrics ng kanta, I DID MY BEST BUT I GUESS MY BEST WASN'T GOOD ENOUGH. Hindi ko napigilan si Kalen sa pagtakbo sa SB election at ngayon ay nanalo na siya bilang SB president.

Akala ko, magdudulot ng hindi maganda ang pagkapanalo niya pero naging blessing in disguise pa pala ito. Kung dati hindi ako sumisipot sa tuwing pinapatawag ako ng ibat-ibang offices para sermonan dahil sa nagawa kong violation, nagayon ay iba na. Sumisipot na ako. Hindi sa disciplinary office, hindi sa faculty head office at lalong-lalo na hindi sa office ng lolo ko. Sumisipot lang ako kapag sa SB office ako pinatawag. Dahil nandoon si Kalen. Ika nga, hitting two birds with one stone. Napapakita ko ang protesta ko laban sa lolo ko. Nakakausap ko pa ng one on one ang Kalen ko. ACHIEVED!

----

Nasa loob ako ngayon ng school library. Gusto ko lang ng tahimik. Umupo ako sa pinakasulok - iyong wala gaanong mga estudyante. Tumitingin ako ng mga pictures sa isang libro ng madaanan ko ang isang page na may mga origami. Naalala ko si nanay. Lagi niya akong ginagawan ng origaming papel dati.

Kinuha ko ang notebook ko sa aking bag. Pumunit ako ng isang pahina at sinimulang gumawa ng isang origami. Hanggang naging dalawa. Tatlo. Apat at hindi ko na nabilang. Nagulat nalang ako ng may magsalita mula sa aking likuran "Anong ginagawa mo?"

Tiningnan ko at nakita ko ang aming librarian na parang galit na nakatingin sa akin.

"Bakit mo pinagpupunit ang pages ng libro?" tanong ng librarian sa akin.

Tiningnan ko ang libro na hawak ko kanina. Ngayon ko lang napansin na napunit ko pala ang ibang mga pages at ginawang origami. Honest mistake. Siguro nadala ako ng emosyon ko. Iniisip ko kasi si nanay kaya parang wala ako sa aking sarili.

Dahil doon, pinatawag na naman ako pero dahil alam na nila na sa SB office lang naman ako nagpapakita, doon na ako pinadiretso.

"Seriously Felix? Origami?" tanong sa akin ni Kalen.

Kaming dalawa lang ngayon sa SB office at nakaupo sa magkaharap na sofa.

"Ano ngayon? Masama ba na gumawa ng origami?" tanong ko

"Hindi ko sinabing masama ang gumawa ng origami. Ang hindi maganda ay ang punitin mo ang mga pages ng libro para sa origami mo. Libro yun. Ano ka bata?"

"Hindi ko nga namalayan na pages ng libro na pala ang ginagamit ko sa paggawa." Sagot ko

"Ano yun? Kusang gumalaw ang mga kamay mo at pinagpupunit ang pages ng libro ng hindi mo alam?" tanong sa akin ni Felix.

"Isipin mo nalang na ganon nga ang nagyari." Nakangiting sabi ko

"Hay naku!" napabuntong hininga na sabi ni Kalen

"Okay! Babayaran ko nalang yung libro na nasira ko." suggestion ko

"Wow! Ganun lang kadali iyon. Hindi. May mas maganda akong idea." Sabi ni Kalen

"Ano naman?"

"Community service. Tamang-tama at ngayong sabado ay may community cleanup na gagawin ang student body organization. Ipapasama kita." sabi sa akin ni Kalen

"Sasama karin ba?" tanong ko

"Hindi. May gagawin ako sa Saturday eh" sabi sa akin ni Kalen.

"So wala ang SB president sa community cleanup? Bakit pa ako pupunta eh ikaw nga hindi pupunta." Sabi ko. Sasama lang kasi ako kung sasama si Kalen. Ang boring naman kung wala siya.

Tumayo na ako.

"Saan ka pupunta?" tanong s aakin ni Kalen

"Aalis na. Bakit gusto mo pa akong makasama? Or baka may gusto kapang gawin natin?" nakangiti kong tanong sa kay Kalen

"Nakakatawa. Sige umalis kana. Huwag mong kalimutan sa sabado ha." Sabi ni Kalen sa akin

"Hindi ako sure eh. Pero may pupunta doon para sa akin." Sagot ko

Lalabas na sana ako ng pintuan ng may maalala. May ibibigay pala ako kay Kalen. Kinuha ko iyon sa aking bag. Isang paper rose na ginawa ko.

"Oh saiyo na." sabi ko sabay abot ng paper rose kay kalen

"Ano naman yan?" tanong niya sa akin

"Isa to sa mga pages ng libro na napunit ko. Baka lang kasi kailangan mo." Sabi ko sabay kuha ng kanyang kamay at nilagay ang paper rose. Pagkatapos ay umalis nadin ako.

Wala akong plano na sumama sa community cleanup na sinasabi ni Kalen dahil wala siya. Maghahanap nalang ako na proxy.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon