CHAPTER 37

131 2 0
                                    

FELIX'S POV

(Nangyari ito kasabay ng chapter 16 at 17)

Sabado – magkikita kami ngayon ni Kalen sa mall. Sasamahan niya akong bumili ng regalo para sa birthday ng kapatid kong si Eunice.

Naglalakad ako papunta sa National Book Store kung saan kami magkikita ng maalalang nakalimutan ko palang magpabango. Nakakahiya naman kung sakaling mapadikit ako kay Kalen at may maamoy siyang hindi maganda. Dali-dali akong pumunta sa tindahan ng mga perfumes. Tumingin-tingin ako. Saan kaya dito ang mabango?

"Hi sir, anong brand po ang hinahanap nila?" tanong sa akin ng saleslady

"Ano po yung pinakamabango ninyo dito?" tanong ko

"Ito po sir." Sabi ng babae sabay turo sa perfume na sinasabi niyang mabango.

"May tester po ba kayo?" tanong ko

"Yes, po sir. Meron. Ito po." Sabi ng babae tapos ay inabot sa akin ang tester.

Nagspray ako sa aking sarili.

"Mabango nga." Sabi ko

"Mabango talaga yan sir. Iyan po ang best seller namin."

"Sige. Titingin-tingin nalang muna ako sa ibang brand. Baka may mas magustuhana ko." sabi ko

"Sure sir. Tawagin mo nalang po ako pag may napili kana." Nakangiting sabi ng babae.

Nalakad-lakad ako at kunwari ay tumitingin-tingin ng perfumes tapos ay pasimpleng lumabas ng perfume store at dumiretso sa National Book Store.

"Kanina kapa?" tanong ko kay Kalen ng makarating ako sa aming tagpuan.

"Hindi naman. Halos kakarating ko lang din." sagot niya. "Ang bango mo ah." Dagdag na sabi ni Kalen

"Talaga? Mabango? Gusto mo yung amoy?" tanong ko

"Oo."

Buti nalang pala talaga at dumaan ako ng perfume store at nagpabango. Dagdag cute points ako dito.

Lumapit ako ng husto kay Kalen para mas maamoy niya ako.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Kalen sa akin.

"Diba sabi mo gusto mo ang amoy ko? Sige amuyin mo lang ako." nakangiti kong sabi

"Loko ka talaga." Sabi ni Kalen sabay ang mahinang tulak sa akin.

----

Napagkasunduan namin ni Kalen na stuffed ang ireregalo sa kapatid ko kaya pumunta kami sa tindahan ng mga stuffed toy at tumingin.

Nakita ko ang isang bear na stuffed toy. Maganda at sigurado akong magugustuhan iyon ni Eunice.

"Kalen may nakita na akong maganda para sa kapatid ko. Ito oh." Sabi ko sabay pakita kay Kalen

"Oo, maganda. Magugustuhan niya yan." Sagot ni Kalen

"Bibilhin ko na ito." Sabi ko

"Felix, tingnan mo ito. Kamukha mo." nakangiting sabi sa akin ni kalen sabay pakita ng stuffed toy na koala.

"Grabe ka naman. Mukha ba akong Koala?" tanong ko

"Ang lambot. Sarap yakapin." Sabi ni Kalen habang niyayakap ang laruan

"So, masarap pala akong yakapin?" nakangiting tanong ko kay Kalen.

"Itong stuffed toy ang tinutukoy ko na masarap yakapin hindi ikaw." Sagot ni Kalen sa akin

"Diba sabi mo kamukha ko yan?" sabi ko

"Hindi na pala. Mas cute ito eh. Sige bayaran mo na yang hawak mong bear. Hintayin nalang kita sa labas." Sabi ni Kalen sabay balik ng koala na stuffed toy sa lalagyan at lumabas ng store.

Napangiti nalang ako at pumunta ng cashier. Babayaran ko na sana ang laruan ng mapatingin ulit ako sa koala na yakap kanina ni Kalen.

"Miss, sandali lang. May idadagdag pa ako." sabi ko sa babae na nasa cashier.

Kinuha ko ang stuffed toy na koala. Naisip ko na bigyan ng regalo si Kalen.

"Bibilihin ko narin pati ito. Kamukha ko daw kasi eh." Sabi ko sa babae na nasa cashier.

Napangiti ang babae sa sinabi ko.

"Sir, naabot po ninyo ang minimum purchased kaya bunot po kayo dito sa bowl para sa prize ninyo." Sabi ng babae sabay turo sa bowl na sinasabi niya.

Bumunot ako sa bowl at ang nakuha ko ay coupon para sa free 2 bowls of ramen.

Pagkatapos bayaran ang mga stuffed toys na nabili ay iniwan ko muna ito. Sinabi ko nalang na babalikan ko kapag pauwi na ako.

Sunod kaming pumunta ni Kalen sa department store at tumingin ng mga damit.

"Felix, maganda ba?" tanong ni Kalen sa akin habang pinapakita ang isang polo.

"Ayos lang. Isukat mo para mas makita natin kung bagay saiyo." Sagot ko

Pumunta si Kalen sa fitting room para isukat ang polo. Pagkalabas niya ay natulala ako. Ang cute niya sa polong suot. Pero kahit ano namang isuot niya cute talaga siya.

"Okay lang ba?" tanong ni Kalen sa akin.

Sasabihin ko sanang bagay sa kanya kaya lang biglang umeksena ang saleslady.

"Naku sir. Ang ganda. Bagay na bagay po sa inyo. Mas lalo po kayo gumagwapo. Tiyak na mas dadami pa po ang magkaka-crush sa inyo pag sinuot mo iyan" sabi ng salelady

Napaisip ako. Hindi pwedeng may magkagusto pa sa Kalen ko. Hindi pwedeng magkaroon pa ako ng maraming karibal.

"Hindi maganda. Hindi bagay saiyo." Pagsisinungaling ko

"Pero sabi ni ate bagay daw sa akin" sabi ni Kalen

Tiningnan ko siya "Hindi nga bagay saiyo."

"Okay, hubarin ko lang ito." Sabi ni Kalen sabay balik sa fitting room.

"Sir, bagay naman po sa kaibigan mo yung polo. Ang gwapo nga po niya doon eh. Tsaka tiyak pag suot niya iyon mas maraming magkakagusto sa kanya. Bakit mo sinabing hindi bagay?" tanong ng saleslady sa akin.

"Hindi naman na kailangang may maraming magkagusto sa kanya." Sagot ko

"Bakit po?"

"Dahil taken na siya." Sagot ko

"Talaga po? Sabagay, sa gwapo po niyang iyon hindi nakapagtatakang may girlfriend na siya." Sabi ng saleslady.

Ngumiti nalang ako pero sa isip ko sinasabi ko na "Oo taken na siya. Taken ko na siya."

"pati ikaw sir. Ang pogi mo din po. Siguradong may girlfriend kana din po" dagdag na sabi ng salesladay

"Hindi ko naman kailangan ng girlfriend. Si Kalen lang sapat na." mahinang sabi ko sa aking sarili.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon