KALEN'S POV
Nalungkot ako sa sinabi sa akin ni Felix. Ngayon alam ko na. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit siya nagbago. Binago siya ng sakit. Binago siya ng galit.
KINABUKASAN...
Papasok ako sa loob ng SB office. Pagkabukas ng pinto ay nakita ko agad sina Anne, Ryan at Emma na nakaupo sa sofa at nakatingin sa akin.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko
Nilapitan ako ni Emma sabay hila sa akin paupo sa sofa.
"Spill it!" sabi sa akin ni Ryan
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko
"Hmmm... Alam namin na magkasama kayo ni Felix noong sabado. Bilis magkwento kana." Nakangiting sabi ni Emma
Napatingin ako kay Anne. Alam kong siya ang nagsabi kina Ryan at Emma.
"Anne!" sabi ko
"Sorry. Naexcite lang ako kaya ko nasabi sa kanila. Sige magkwento kana." sabi ni Anne.
"Anong ginawa ninyo? Date ba yun?" tanong ni Ryan.
"Hindi kami nag-date! Bumili lang kami ng regalo para sa kapatid ni Felix." sagot ko
"Di nga? Yun lang? Eh bakit sabi ni Anne nakacouple shirt daw kayo? Ano pa kasi ang nangyari?" tanong ni Ryan.
"Hindi couple shirt iyon. Tsaka wala ng ibang nagyari. Namili lang kami tapos kumain tapos umuwi" Sagot ko
"Yun lang talaga?" tanong ni Emma
Napatingin ako sa kanilang tatlo. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang tungkol sa nangyari kay Felix. It is not my story to tell.
"Oo yun lang. ano bang iniexpect ninyo na ibang mangyari?" sabi ko.
Naputol ang aming pag-uusap ng bigla naming makita si Felix na nakatayo sa may pintuan.
"Felix? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko
"Busy kaba? Yayayain sana kitang magmilk tea." sabi ni Felix.
"Hindi siya busy." Sabi ni Emma sabay hila sa akin patayo ng sofa.
Tiningnan ko ang tatlo kong mga kaibigan.
"Sige na! Go kana." Sabi ni Anne sa akin.
Pumunta kami ni Felix sa canteen. Bumili ng milktea at naupo.
"Kumusta na pala ang baby natin?" nakangiting tanong ni Felix sa akin
"Anong baby ang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ko
"Si Kalix." Sagot niya
"Loko! Baby ka dyan." Sabi ko
"Bakit ngaba Kalix pinangalan mo?" tanong ulit ni Felix.
"Wala akong maisip eh. Sige palitan ko nalang." Sagot ko
"Hindi! Huwag mong palitan. Cute nga ng Kalix eh. Parang yung papa. Cute din." Nakangiting sabi ni Felix.
"Sino na naman yang tinutukoy mong cute? Huwag mong sabihing ikaw ulit." Sabi ko
"Syempre! Sino ba ang papa ni Kalix?" sabi ni Felix.
"Ewan ko saiyo." Sagot ko pero deep inside kinikilig ako.
"Ngayon na pala ang birthday ni Eunice. May family dinner daw sa bahay ni lolo mamaya ng 7." sabi ni Felix
"Talaga? Maibibigay mo na ang regalo mo." sabi ko
Napansin ko na parang tumamlay si Felix.
"Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ko
"Parang ayaw ko kasing pumunta sa dinner. Hindi naman ako belong doon eh. Baka ma-out of place lang ako." sagot ni Felix.
"Ano kaba. Birthday ng kapatid mo tapos hindi ka pupunta?" sabi ko
"Yun nga din ang iniisip ko. Kapag hindi ako pumunta baka magtampo si Eunice." Sabi ni Felix
"Isipin mo nalang na pupunta ka doon para sa kapatid mo." sabi ko
"Sumama ka nalang kaya sa akin?" nakangiting sabi ni Felix
"Hala! Hindi pwede yun. Family dinner nga eh. Kaya mo yan." Sabi ko sabay ngiti.
"Sige. Kaya ko ito. Pero pwede favor?" tanong sa akin ni Felix.
"Ano?"
"Mamaya. Mga 5:30pm bago ako pumunta sa bahay ni lolo pwede ba tayong magkita sa rooftop ng Business Ad building?" sabi ni Felix
"Pwede naman. 5pm naman matatapos yung klase ko. Bakit?" tanong ko
"May sasabihin lang ako saiyo." Sagot ni Felix.
----
Pagkatapos ng klase ko sa hapon ay pumunta na agad ako sa rooftop ng Business Ad building. Habang naglalakad ay iniisip ko kung ano kaya ang sasabihin sa akin ni Felix.
Pagkarating sa rooftop ay nakita ko si Felix. Nagulat ako dahil sa hindi lang siya nag-iisa. May kasama siyang babae at... At naghahalikan sila. Bigla akong naghina. Pakiramdam ko biglang bumigat ang aking dibdib. Hindi ako makahinga. Ano ba ang nangyayari? Pinapunta ba ko ni Felix dito pata ipakita ito?
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...