CHAPTER 43

140 5 0
                                    

KALEN'S POV

Nasa loob lang ako ng kwarto habang hinihintay si papa.

Hinihintay namin siya ni mama para sabay-sabay na kaming maghapunan.

Nakahiga lang ako sa kama at nag-iisip. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Hindi parin ako makapaniwala na kami na ni Felix.

Biglang may kumatok. Binukasan ko ito at nakita si mama.

"Hali kana. Kain na tayo at nandito na ang papa mo." sabi ni mama.

Nakaupo na kami at kakain ng biglang tumunog ang doorbell. Lumabas ako para tingnan kung sino at nakita si Felix sa labas ng aming gate.

"Felix? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pagkabukas ng gate

"Gusto lang kitang makita." Nakangiting sagot ni Felix.

"Akala ko ba pupunta ka sa bahay ng lolo mo?"

Hindi sumagot si Felix. Bigla namang lumabas si mama at nagtanong kung sino ang nagdoorbell.

"Ma, si Felix po may tinatanong lang." sabi ko kay mama

"Goodeveing po tita." Sabi ni Felix kay mama

"Oh, Felix goodevening din. Hali ka pasok. Tamang-tama at ngayon palang kami maghahapunan. Sumabay kana. Kalen, hali na kayo." Sabi ni mama

Sumabay na sa amin si Felix maghapunan pagkatapos ay pumunta kami sa garden at naupo.

Ano ba ang nangyari at wala ka sa bahay ng lolo mo?" tanong ko kay Felix

"Pinaalis kasi ako ng lolo." Sagot ni Felix

"Baka kasi ginalit mo kaya ka pinaalis." Sabi ko

"Nagtanong lang naman ako. Siguro triggered siya sa tanong ko. Ayos lang din yun. Ayaw ko naman din magstay doon. Pumunta lang talaga ako para ibigay ang regalo ko kay Eunice. Mas gusto ko pa dito. Kasi nandito ka at alam kong gusto mo ding nandito ako." sabi ni Felix

Tiningnan ko si Felix

"Sinong nagsabi na gusto kong nandito ka?" tanong ko

"Bakit ayaw mo?" Balik na tanong ni Felis sa akin.

"Hmmm. Ewan." Nakangiti kong sabi.

"Gusto mo rin eh." Sabi ni Felix sa akin.

Hindi ako kumibo pero tama si Felix. Gusto ko ring nandito siya.

Bigla akong hinalikan ni Felix sa pisngi na ikinagulat ko.

"Ano kaba! Baka makita tayo nila mama at papa." Sabi ko

Ngumiti lang si Felix sabay hawak sa aking kamay.

Matagal ding nagstay si Felix hanggang sa oras na para umuwi siya kasi gabi na. Pinuntahan namin sina mama at papa na nasa sala at nanonood ng TV.

"Ma, pa. Uuwi nadaw si Felix." Sabi ko

"Huh? Gabi na ah." Sabi ni mama

"Oo nga naman. Felix, dito ka nalang matulog. Bukas ng umaga kanalang umuwi. Gabi na." singit ni papa

"Saan siya matutulog?" tanong ko.

"Sa kwarto mo. Malaki naman ang kama mo. kasya kayong dalawa doon." Sagot ni mama

"Sige po. Gabi na nga po eh. Nakakatakot ng umuwi lalo pa at nakamotor lang ako. Bukas ng umaga nalang po ako uuwi. Salamat po." Mabilis at nakangiting sagot ni Felix.

----

Nakahiga na kami ni Felix sa kama ko. Hindi ito ang unang beses na magkatabi kaming matulog. Nagtabi na kami dati sa outreach program pero bakit iba yung pakiramdam ko ngayon? Mas lalo akong kinakabahan.

"Alam mo, feeling ko gusto ako ng mama at papa mo. Tingnan mo at inalok pa nila akong matulog dito" sabi ni Felix sa akin

"Feeling mo lang iyon at ano yung sinabi mo kaninang natatakot kang umuwi kasi gabi na at nakamotor ka? Nakakatawa yun. First time mong umuwi ng gabi at nakamotor?" Sabi ko

"Bakit ba? Sinabi ko lang naman iyon kasi gusto kitang makasama ngayon." sabi ni Felix

"Ewan ko saiyo"

"Saan na pala si Kalix?" tanong ni Felix sa akin

Kinuha ko sang stuffed toy sa table na malapit sa kama tapos ay binigay kay Felix.

"Kalix, gusto mo ba ng kapatid?" nakangiting tanong ni Felix sa laruan.

"Hoy! Anong pinagsasabi mo?" tanong ko kay Felix.

"Gusto daw niya ng kapatid." Nakangiting sabi ni Felix sa akin.

"Matulog kana nga. Kung ano-ano yang iniisip mo." sabi ko

"Hindi ako makatulog eh" sabi ni Felix sa akin.

Pinikit ko ang aking mga mata ng maramdamang gumalaw si Felix at pumatong sa akin sabay hawak ng magkabila kong kamay. Nagulat ako.

"Felix, anong ginagawa mo?" tanong ko

"Ano sa tingin mo?" mahinang tanong ni Felix sa akin.

"Felix, sisigaw ako." sabi ko

"Edi sumigaw ka." Sabi ni Felix sabay dahan-dahang lapit ng kanyang mukha sa akin.

"Felix, hindi pa ako ready sa ganito." Sabi ko

Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ako prepared. Bahala na. Pinikit ko nalang ang aking mga mata.

Narinig ko nalang na tumawa si Felix. Minulat kong muli ang aking mga mata. Umalis na din siya sa pagkakapatong sa akin at bumalik sa pagkakahiga.

"Nakakatawa yung reaction mo." sabi ni Felix habang mahinang tumatawa

Hinampas ko siya ng unan. "Ikaw kasi eh."

"Nagbibiro lang naman ako. Hindi ko naman gagawin yun kung hindi kapa handa." Sabi ni Felix sa akin.

Saglit kaming tumahimik tapos ay nagsalita na ako.

"Felix, sinabi mo sa akin na gusto mo ako matagal na. Kailan pa?" tanong ko

"Yung totoo? 2nd college pa tayo. Naalala mo noong nahulugan ka ng libro sa library? Doon kita unang nakita. Simula ng araw na iyon alam ko ng gusto kita." Sagot ni Felix.

"Oo naalala ko iyon." Sabi ko

"Ikaw ba? Kailan mo naramdaman na mahal mo ako?" tanong ni Felix sa akin.

"Hindi ko alam. Biglaan eh. Basta after noong nag Quezon Province tayo, nakaramdam na ako ng iba saiyo. Yung nakita kong kahalikan mo kanina sa rooftop, nakita ko rin kayo dati sa canteen. Doon ako unang nakaramdam ng selos." Sagot ko

"Si Aira? Hindi ko naman gusto yun. Siya lang talaga yung humahabol sa akin. Alam mo naman. Cute itong boyfriend mo kaya habulin." Nakangiting sabi ni Felix.

"Kapal" sabi ko sa kanya.

"Si Liz pala. Diba may gusto din siya sayo?" tanong ni Felix sa akin.

"Parang. Hindi naman niya direktang sinabi na may gusto siya sa akin pero kung sakaling sabihin niya, magiging honest ako sa kanya. Sasabihin kong may mahal akong iba." Ssagot ko

"Sino yung iba nayun?" tanong ni Felix sa akin.

Napatingin ako kay Felix.

"Yung kasama ko ngayon" sagot ko

Tumingin si Felix sa akin tapos ay ngumiti. Niyakap niya ako.

"I love you." Sabi niya

Yumakap din ako kay Felix sabay sabi ng "I love you too."

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon