CHAPTER 30

153 3 0
                                    

FELIX'S POV

(Nangyari ito kasabay ng chapter 7)

Narating na namin ang aming destination. Isang malayo at maliit na barangay sa Quezon Province.

Kasama ang ilang mga residente dito ay nananghalian muna kami bago ipamigay ang aming mga dala para sa mga bata. Kumuha ako ng kunting pagkain at nilagay sa aking plato tapos ay naupo sa isang tabi. Habang kumakain ay napansin ko ang isang may edad na babae na sinusubuan ng pagkain ang isang batang lalake. Siguro anak niya ito. Ang sarap nilang pagmasdan. Naalala ko, ginagawa din ni nanay sa akin iyan dati. Napalingon ang babae sa akin tapos ay ngumiti. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Bakit kukunti lang yang pagkain na nasa plato mo anak?" tanong ng babae sa akin

"Okay na po ito." Sagot ko

"Anong okay? Akin na yang plato mo at ikukuha kita ng madami." Sabi ng babae sa akin sabay kuha ng aking plato tapos ay pumunta siya sa lamesa at kumuha ng pagkain.

"Ito na ang plato mo anak." Sabi ng babae pagkabalik niya sa akin ng plato ko.

"Salamat po." Sagot ko

Hinimas ng babae ang aking buhok. Ngumiti siya sabay sabi ng "Sige kumain kalang."

Bumalik ang babae sa kanyang upuan at tinuloy ang pagpapakain sa kanyang anak. Naalala ko si nanay sa kanya. Biglang tumulo ang aking mga luha. Napatingin ako sa kinauupuan ni Kalen at nakitang nakatingin din siya sa akin. Agad kong pinunasan ang aking mga luha. Nilapag ko ang aking plato sa upuan tapos ay tumayo ako at umalis dala ang aking backpack.

Sa di kalayuan ay may nakita akong malaking puno. Doon ako naupo at nagtago. Kinuha ko ang wallet ko sa aking backpack. Binuksan ko ito at pinagmasdan ang litrato naming dalawa ni nanay.

----

Nagising ako ng maramdamang may kumakalabit sa aking balikat. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang isang batang babae na nakangiti. Nakatulog pala ako habang nakasandal sa malaking puno. Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong nandito.

"Ayos kalang po?" tanong ng batang babae sa akin

"Oo. Ayos lang ako. Bakit ka nandito?" balik ko na tanong

"Kuya, halika laro tayo." Sabi ng bata sabay hila ng aking kamay at pinapatayo ako.

"Sandali" sabi ko sabay lagay sa aking backpack ng wallet na hawak-hawak.

Tumatakbo ako habang hila-hila ng batang babae ang aking kamay. Papunta kami sa aking mga kasamahan na naglalaro.

"Sandali lang po!" sigaw ng bata.

"Sandali lang bata." Sabi ko

"Sasali po si kuya sa laro" sabi ng bata sa aking mga kasamahan ng makarating kami

"Hindi! Hindi ako sasali" gulat na sabi ko

Humarap sa akin ang bata sabay sabi ng "Sige na kuya. Sumali kana. Please...."

Tiningnan ko ang bata. Parang nakita ko sa kanya ang kapatid kong si Eunice. Wala naman sigurong masama kong pagbibigyan ko.

"Sige sasali na ako." sabi ko.

Naglaro kami ng trip to Jerusalem/paper dance. Unahan sa pagpatong sa papel na nasa lupa pagka-stop ng music.

Aaminin ko, masaya ang laro at nag-eenjoy ako. Isa-isang nagkatanggalan hanggang sa kaming dalawa nalang ni Kalen ang natira. Nakatayo kami mga dalawang dipa mula sa isang pirasong papel na nasa gitna namin.

"Kuya! Galingan mo. Huwag kang papatalo." Narinig ko na sigaw ng batang babae sa akin. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Kalen! Galingan mo din. Huwag karing papatalo." Narinig ko rin na sigaw ng isang babaeng kasama namin kay Kalen. Napaisip ako kung sino ang babaeng iyon.

Nagsimula na ang music. Umikot-ikot kami na Kelan sa isang pirasong papel. Paikot-ikot hanggang sa nawala ang music. Tumakbo ako papunta sa papel at sabay kami ni Kalen na pumatong dito. Maliit lang ang papel kaya sobrang magkadikit kami. Hindi maiwasang magkatitigan kami ni Kalen. Bumilis ang tibok ng aking puso. Napatingin ako sa kanyang mga labi. Gusto ko itong halikan. Ngayon mismo. Dito mismo kaya lang naalala ko na game pala ito at kailangan kong manalo kaya tinulak ko si Kalen palayo sa papel na kinatatayuan namin kaya ayun, ako ang nanalo.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon