KALEN'S POV
Pasado alas-12 na ng tanghali at nasa byahe na kami pabalik ng Manila. Napagkasunduan namin na tumigil sa isang bahay-kainan sa tabi ng daan para mag-lunch. Habang bumababa ang mga kasama ko sa bus, nilapitan ko si Felix. Gaya noong papunta kami ng Quezon Province, nakaupo padin siya sa pinakalikurang bahagi ng bus.
"Felix, tara kain muna tayo." Sabi ko sa kanya
"Hindi ako nagugutom." Sagot ni Felix sabay lagay ng earphone sa kanyang tenga at nakinig nalang ata ng music.
Iniwan ko si Felix. Bumaba na ako at sumunod sa iba para magtanghalian.
"Pres, si Felix? Diba niyaya mo syang kumain?" tanong ni Anne
"Ayaw kumain. Hindi daw siya nagugutom." Sagot ko
"Baka diet." Sabi ni Emma
"Diet ka dyan. Sabihin mo may attitude." Singit ni Ryan.
"Magti-take out nalang ako ng pagkain para sa kanya." Sabi ko sa kanila.
----
Pagkatapos naming maglunch ay bumalik nadin agad kami sa bus. Pinuntahan ko si Felix para ibigay ang binili ko na pagkain para sa kanya.
Kinuha ni Felix ang earphone na nakalagay sa isa niyang tenga sabay tanong ng "Ano yan?" sa akin ng iabot ko sa kanya ang isang styrofoam lunch box.
"Pagkain baka kasi magutom ka mamaya." Sagot ko.
Kinuha ni Felix ang pagkain
"Felix, yung...." Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng maramdamang umaandar na ang bus. Naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Baka ako naman ang ma-out of balance at matumba kaya umupo muna ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Felix.
"May kailangan kapa?" tanong ni Felix habang nakatingin sa akin. Nagtataka siguro siya kung bakit ako umupo.
"Yung tungkol pala sa wallet mo kanina. Sorry kasi binuksan ko. Gusto ko lang kasing malaman kung kanino." Sabi ko
"Kalimutan mo na yun." Sagot ni Felix sa akin sabay balik ng airphone sa kanyang tenga at tumingin sa labas mula sa bintana.
Nakatingin ako kay Felix. May gusto akong itanong sa kanya. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol doon sa litrato. Gusto ko sanang malaman kung sino yung babaeng kasama niya doon pero nag-aalinlangan ako. Baka mawala siya sa mood. Baka magalit lang siya sa akin. Baka isipin niyang pakialamero ako.
Napatingin si Felix sa akin. Siguro napansin niyang nakatingin din ako sa kanya. Tinanggal niya ulit ang earphone sa isa niyang tenga.
"Bakit? tanong ni Felix sa akin.
"Wala naman. Iniisip ko lang kung ano kaya yang pinapakinggan mo." Nasabi ko. Ayaw ko na kasing itanong sa kanya ang tungkol sa litrato.
Akala ko ay ibabalik ni Felix ang earphone sa kanyang tenga pero nagulat ako ng ilagay niya ito sa tenga ko. May earphone siya sa kablilang tenga at nasa tenga ko naman ang isa.
Napangiti ako ng marinig ang music na pinapakinggan ni Felix – Love Songs.
"Oh, bakit ka napangiti?" tanong ni Felix sa akin
"Wala. Hindi ko lang kasi iniexpect na ganitong music ang pinapakinggan mo. Para kasing hindi bagay sa personality mo" Sagot ko
"Bakit? Masama ba kung makinig ako ng ganitong music? Kung ayaw mo edi akin na ulit yan." Sabi ni Felix sabay kukunin na sana niya ang earphone sa aking tenga.
"Sandali! Sinabi ko bang ayaw ko?" sabi ko habang pinipigilan siya na kunin ang earphone sa akin.
Ipinikit ko ang aking mga mata habang nakikinig ng music ni Felix.
----
Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong nakaupo sa tabi ni Felix. Naramdam ko nalang na may pumatong sa isa kong balikat. Minulat ko ang aking mga mata at tiningnan ito. Nakita ko si Felix na nakatulog at ang kanyang ulo ay nasandal sa balikat ko. Hinayaan ko nalang siya na ganoon at pinikit ko nalang ulit ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...