CHAPTER 3

230 13 0
                                    

KALEN'S POV

Kasama ko ngayon sa office ang ilan sa mga officers ng student body. Inihahanda namin ang mga kailangan para sa gaganaping outreach program sa isang maliit na komunidad sa Quezon province. Kasama namin ang lahat ng student body officers at ilang mga volunteers.

"Pres, nabalitaan ko yung ginawa ni Felix na paggamit ng motorsiklo dito sa loob ng campus. Ano? Kinausap mo ulit?" tanong sa akin ni Anne Soriano ang aming vice-president.

"Oo kinausap ko" sagot ko

"Anong nangyari?" tanong ulit ni Anne

"Wala. As usual, parang hindi nakining. Ewan ko ba doon. Consistent sa pagiging pasaway."

"Alam nyo kung hindi lang siguro apo ng may-ari yang si Felix, matagal ng nakick-out yan dito sa Hendrix." Biglang sabi ni Ryan Dee ang student representative ng mga 4th year.

"Grabeh ka naman Ryan" sagot ni Anne

"Totoo naman eh. Sa dami ng nagawa niyang violations dito sa school eh lagpas warning na siya." Sagot ni Ryan.

"Pero totoo po ba yung sabi nila na hindi naman daw ganyan si kuya Felix dati? Mabait naman daw siya." Tanong ni Ella. Ang 1st year representative.

"Alam mo Ella totoo yan. Mabait naman talaga dati iyang si Felix. Nagbago lang ang ugali noong nasa 3rd year college na kami. Ayun pati pag-aaral niya napabayaan. Umulit tuloy ng 3r year." Sagot Ryan

"Ano po ba ang nangyari at nagging ganyan siya?" tanong ulit ni Ella

Nagkatinginan nalang kami. Walang nakasagot kasi walang nakakaalam kung ano ang nangyari. Basta, bigla nalang naging ganuon si Felix.

Naalala ko pa noong 3rd year college kami mga isang buwan nadin ng magsimula ang klase. Nasa canteen ako noon ng university ng biglang nagkagulo. Si Felix may sinapak na isang estudyante at kaibigan pa niya. Simula noon, marami na ang nakapansin sa pag-iba ng ugali niya at nagtuloy-tuloy ito hanggang ngayon.

"Pres! Pres!" Narining ko na tawag sa akin at ng tiningnan ko ay si Emma Aquino pala ang aming secretary.

"Bakit Emma?" tanong ko

"Nakasalubong ko si Mr. Valencia. Pinapahanap ka niya kasi daw gusto kang makausap ng chairman." Sabi ni Emma

"Chairman? Si Mr. Rodolfo Hendrix?" gulat na tanong ko

"Oo. Ang may-ari ng university. Pinapapunta ka daw sa office niya."

Hindi ito ang unang beses na makakausap ko ang chairman at may-ari ng university pero kinakabahan parin ako. Bakit kaya gusto niya akong makausap?

----

Nasa lobby ako ng floor kung nasaan ang office ng chairman. Hinihintay ko ang abiso ng kanyang secretary kung pwede naba ako pumasok sa kanyang office.

"Mr. Garcia, pasok nadaw po kayo." Sabi ng nakangiting secretary.

Tumayo ako at dumiretso sa pintuan ng office ni chairman. Kumatok muna ako bago ito biunuksan.

"Goodafternoon sir." Unang bungad ko

"Good afternoon Mr. Garcia. Take a seat. How are you?"

"I'm fine sir." Sagot ko sabay upo

"That's great! Well, pinatawag kita dito regarding sa outreach program ninyo. Somewhere in Quezon provice yun diba?"

"Yes sir. Thank you po pala dahil inaapprove ninyo itong activity naming ito." Sagot ko.

"Yes, of course alam ko namang gusto niyo lang makatulong. May gusto sana akong ipasama sa inyo. Pwede paba?" tanong ng chairman

"Yes sir. Pwede po. Sino po ba?" nakangiting tanong ko

"Si Felix." Sagot ng chairman.

Biglang nawala ang ngiti sa aking mukha. Si Felix isasama? Paano kung gumawa na naman siya ng gulo? Baka masira pa ang activity naming ito.

"Mr. Garcia, hindi naman ako bulag at bingi para hindi malaman ang mga nangyayari dito sa university. Especially tungkol kay Felix. Ewan ko ba sa batang iyan at napakatigas ng ulo."

"Paano po kung ayaw niya?" tanong ko

"Ayaw niya talaga. Alam ko iyon kaya nga gusto ko na isama siya. Para turuan siya ng leksyon. Sabihin nalang natin na punishment niya ito sa mga ginawa niyang gulo. Para rin makita niya ang sitwasyon ng pupuntahan ninyong community nang saganon ay maging appreciative siya sa kung ano mang meron siya ngayon. Okay?" Paliwang ni chairman.

"Yes sir. Isasama namin si Felix." Sagot ko dahil wala naman akong choice.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon