CHAPTER 47

113 1 0
                                    

KALEN'S POV

Galit at patakbo akong naglakad papunta sa Business Ad Building. Sinuyod ko ang bawat classroom ng mga first year para hanapin si Liz.

Nakita ko siyang nakaupo habang kausap ang isa niyang kaklase. Wala ang kanilang instructor kaya pumasok ako sa loob sabay hila sa kanya palabas.

"Kalen! Bakit ba?" tanong ni Liz sa akin.

"Kalen, kumalma ka." Sabi ni Anne na nakasunod sa amin.

Nang makitang wala ng mga estudyante sa paligid ay huminto ako at humarap kay Liz.

"Bakit mo nagawa yun?" tanong ko kay Liz

"Ang ano?" balik na tanong ni Liz sa akin

"Yung video. Alam ko na ikaw ang kumuha at nag-upload nun." Galit na sabi ko kay Liz

"Seryoso? Ako talaga? Ako talaga ang pinagbibintangan mo?" tanong ni Liz sa akin.

"Sino paba? Maliban sa amin ni Felix, ikaw lang ang tao doon sa rooftop kahapon." Sabi ko.

"Oo nga nandoon ako pero hindi ibig sabihin na ako na ang kumuha ng video na iyon. Grabe ka. Sa tingin mo ba magagawa ko iyon saiyo? Sa tingin mo ba ganon akong klaseng tao?" tanong ni Liz sa akin

"Oo!" pasigaw na sabi ko

Sinampal ako ni Liz.

"Hindi ako ang kumuha ng video. Alam mo, ang sakit kasi ako ang pinagbibintangan mo. Ang sakit kasi ganyan pala ang iniisip mo sa akin." Sabi ni Liz sa akin sabay alis.

Nagkatinginan kami ni Anne. Hindi ko narin alam. Paano kong nagsasabi ng totoo si Liz? Pero paano kung hindi? Naguguluhan na ako.

----

Pinatawag kami ni Felix ng mga faculty heads.

Hindi na kami nagsinungaling at sinabi na namin ang totoo. Nabanggit din namin ang tungkol kay Liz na nakita namin siya sa rooftop at pinatawag din siya pero tinatanggi talaga niya na siya ang kumuha at nag-upload ng video.

Isa pa sa ikinababahala ko ay ang magiging reaction ng aking mga magulang tungkol sa video na ito. Sa bilis ng social media sa panahon ngayon ay siguradong makakarating ito sa kanila at hindi nga ako ngakamali. Nakatanggap ako ng tawag mula kay papa. Gusto niya akong umuwi kaagad. Halata sa boses niya nag alit siya at hindi ko na tinanong kung bakit dahil alam ko na ang dahilan.

----

Umuwi ako at pagpasok ko palang sa pinto ay sinalubong na agad ko ni papa ng isang malakas na sampal. Agad naman siyang inawat ni mama para hindi na makaulit pa.

"Ano ito? Anong kalokohan ito?" galit na tanong ni papa habang pinapakita sa akin ang cellphone na naka-play ang video namin ni Felix.

"Pa, sorry po." Umiiyak kong sabi

"Hindi kana nahiya!" sigaw ni papa sa akin.

Sasampalin sana ako ni papa ulit pero pumagitna si mama.

"Tama na!" umiiyak na sabi ni mama kay papa.

"Sabihin mo sa akin ang totoo. May relasyon ba kayo ng Felix nayan?" tanong ni papa

Hindi ako sumagot at patuloy lang ako sa pag-iyak

"Sagutin mo ang tanong ko!" pasigaw na sabi ni papa

"Opo" sagot ko

Biglang itinapon ni papa ang cellphone na hawak dahil sa galit.

"Simula ngayon, ayaw ko ng makita kang kasama siya." Sabi ni papa sabay alis at pumunta ng kwarto.

Nilapitan ako ni mama at niyakap.

"Ma, sorry. Sorry po" sabi ko habang umiiyak.

----

Hiyang-hiya ako kina mama at papa. Umiiyak ako habang nakahiga sa aking kama ng marinig ang sigaw ni mama galing sa kwarto nila. Pumunta ako doon at nakita si papa na nakahandusay sa sahig at walang malay.

Dinala namin siya sa hospital. Inatake siya ng highblood. Siguro dahil sa sama ng loob at galit sa akin. Mabuti nalang at naagapan.

HATE ME, LOVE ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon