FELIX'S POV
Nagulat ako ng makita si papa sa labas ng bahay kasama si aling Lorna. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Sa pagkakatanda ko, ito ang unang beses na niyakap ako ng aking ama.
Iniwan kami ni Aling Lorna at bumalik siya sa kanila. Pumasok naman kami ni papa sa loob ng bahay at naupo.
"Bakit hindi ka nagsabi na nandito ka? Bakit hindi ka tumawag? Nag-alala kami. Akala namin kung ano na ang nagyari saiyo." tanong ni papa sa akin.
Hindi ko sinagot ang tanong ni papa sa halip ay tinanong ko rin siya. "Paano mo po nalaman na nandito ako?"
"Kung saan-saan na kami naghanap. Pati mga pulis hindi ka makita. Hanggang naisip ko ang lugar na ito. Nagbakasakali ako na dito ka pumunta at tama nga." Sagot ni papa.
"Sorry kung nag-alala kayo." Sagot ko
"Ano ba ang nagyayari saiyo? Dahil ba ito sa video?" tanong ni papa sa akin
Hindi ako sumagot at yumuko nalang
"Mahal mo ba siya?" isa pang tanong ni papa
"Kapag ba sinabi kong mahal ko siya sasabihin mo rin sa akin na tigilan ko kasi mali kagagay ng sinasabi ng ibang tao? Gaya ni lolo?" tanong ko kay papa.
"Hindi ko alam. Basta ang alam ko ay hindi mali ang magmahal. Hindi mali ang maging masaya. Kung mahal mo siya at masaya ka sino ba naman ako para sabihing mali iyon. Huwag mong hayaan na diktahan ka ng ibang tao. Gawin mo kung ano sa palagay mo ang magpapasaya saiyo. Maging masaya ka. Huwag mong hayaan na mangyari saiyo ang nangyari sa akin. Dahil sa dikta ng lolo mo, isinantabi ko ang aking kaligayahan at iniwan ang babae na aking mahal." Sabi ni papa
Napatingin ako kay papa. Tumayo siya at lumapit sa dingding kung saan nakasabit ang natitirang larawan ni nanay.
"Nagtatrabaho bilang isang service crew sa isang restaurant sa Manila ang nanay mo ng makilala ko siya. Naging magkaibigan kami noong una hanggang sa nagmahalan. Nalaman ito ng lolo mo at nagalit siya sa akin. Sinabi niya sa akin na kapag hindi ko nilayuan ang nanay mo ay wala akong makukuhang suporta o kahit anong parte ng yaman niya. Natakot ako kaya kahit na mahal ko ang nanay mo ay iniwan ko siya. Umuwi siya ng probinsya pero hindi ko alam na pinagbubuntis ka pala niya. Ang hindi alam ng lolo mo ay lihim kong hinanap ang nanay mo. Nalaman ko ang kanyang kinaroroonan pero huli na. Pinakasal na ako ng lolo mo sa mama Alicia mo. Alam mo, lagi kong iniisip na paano kaya kung hindi ko sinunod ang lolo mo? Paano kaya kung hindi ako nakipaghiwalay kay Eliza? Mahal ko naman si mama Alicia mo pero hindi mawala sa akin ang pagsisisi." Kwento ni papa
Hindi ako nakapagsalita sa kwento sa akin ni papa. Ngayon ko lang narinig ang kwento nilang dalawa ni nanay.
"Huwag kang gumaya sa akin. Huwag mong hayaan na may pagsisihan kang desisyon sa huli. Please... Bumalik na tayo ng Manila." Sabi ni papa
"Paano si lolo?" tanong ko
"Akong bahala. Alam ko na hindi ako naging mabuting ama saiyo pero sa pagkakataong ito hindi ko hahayaan na ilayo niya ang taong makapagpapasaya saiyo. Hindi ko hahayaan na gawin niya saiyo ang ginawa niya sa akin. Ngayon, magpapakaama na ako saiyo. Nasa likod mo lang ako na susuporta saiyo." Sabi ni papa
Hindi ko mapigilang maluha sa aking mga narinig. Napatakbo ako palapit kay papa at niyakap siya.
----
KALEN'S POV
Gabi – Nasa garden ako at nakaupo. Tumutulo ang aking mga luha habang iniisip ko padin si Felix. Hindi ko na alam kung ano ang aking nararamdaman. Naghalo-halo na kasi ang lungkot, pag-aalala, takot, pagsisisi at kung ano-ano pa. Nagulat nalang ako ng biglang lumapit sa akin sina mama at papa at umupo sa magkabila kong tabi.
"Nag-aalala ka parin ba kay Felix?" tanong ni mama sa akin
Pinunasan ko ang aking luha gamit ang aking kamay sabay sabi "Sorry po. Alam ko naman na ayaw na ninyo iniisip ko pa siya pero hindi ko lang talaga mapigilan ang mag-alala."
"Anak, mahal mo ba talaga siya?" tanong ni papa sa akin
Hindi ako sumagot.
"Pasensiya kana at hindi ka namin naintindihan kaagad. Mahal ka namin ng mama mo at nasasaktan kami kapag nakikita kang malungkot. Simula ngayon kung saan ka sasaya ay susuportahan ka namin. Kung mahal mo talaga si Felix at sa kanya ka sasaya ay hindi na kami hahadlang pa. Basta maging masaya kalang" Sabi ni papa
"Huwag kanang mag-alala. Babalik din si Felix." Sabi ni mama
"Dapat lang na bumalik siya. Kailangan pa niyang pormal na umakyat ng ligaw." Sabi ni papa
Napangiti ako sa sinabing iyon ni papa. Medyo gumaan ang bigat na aking naramdaman.
"Salamat po." Sabi ko.
Ngumiti sina papa at mama. Sabay silang yumakap sa akin.
----
KINABUKSAN...
Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Tiningnan ko ito – si Ryan tumatawag.
"Bakit?" tanong ko pagkasagot ng phone
"Saan kana?" tanong ni Ryan sa kabilang line.
"Sa bahay. Natutulog pa sana kaso nagising ako sa pagtawag mo" Sagot ko
"Ano? Kakagising mo lang? Hindi kaba papasok?" tanong ni Ryan sa akin
"Hindi muna ako papasok ngayon" sagot ko
"Sigurado ka? Hindi ka papasok? Paano kung sabihin kong bumalik na si Felix at nandito siya ngayon sa university?" sabi ni Ryan.
Nagulat ako. Biglang bumilis ang tibok ng aking dibdib. Si Felix bumalik na. Agad kong binaba ang phone at dali-daling naghanda papuntang university.
BINABASA MO ANG
HATE ME, LOVE ME (BL)
RomanceSi Kalen Gracia, matalino at student body president ng Hendrix University. Si Felix Hendrix, happy-go-lucky at minsan troublemaker na apo ng may ari ng university. Parehong campus star at campus heartthrob na may opposite personalities. Parehong mag...