Stephen's POV
Naniningkit lang ang mga mata ko habang nakatingin kay Black na ngayo'y inaayos na ang mga gamit niya sa isang kwarto dito sa bahay namin. Bigla na lang kasi siyang sumulpot dito kanina at sinabing titira na siya dito kasama namin.
Wala namang problema iyon sa akin at wala ding problema kung maging member siya ng grupo namin. Pasado naman iyong looks niya pero syempre, mas gwapo pa din ako.
Ako naman talaga pinakagwapo sa amin eh.
Pero hindi niya din kami masisisi kung hindi namin siya gaanong pagkakatiwalaan. Ilang taon na kaming tatlo lang nila Giovanni at Ethan ang magkakasama tapos bigla siyang susulpot na parang kabute?
Hindi naman yata pwede 'yon.
"How long do you plan to stand by my door?"
Biglang tanong ni Black at halos mapairap ako doon sa 'my' na ginamit niya. Kakalipat niya lang nang-aangkin na siya kaagad. Ang lakas din ng apog ng lalaking 'to ah.
"Until you are done," sagot ni Ethan.
Nagkibit balikat lang naman si Black habang napatikhim ako.
"Adik ka ba sa black, Black?"
Natawa ako bigla sa tanong ko kaya napatingin sila sa akin. Siniko naman ako ni Giovanni kaya tumigil ako sa pagtawa. Ang KJ talaga ng mga lalaking ito at mukhang pati si Black.
Hindi ba sila natawa doon sa black black?
"Puro kasi itim lahat ng gamit mo eh," sabi ko at itinuro iyong mga gamit niya sa kwarto.
Itim na bedsheet, damit, unan, at pati mga kurtina itim. Hindi kaya pinaglihi kay Satanas 'tong lalaking 'to?
But wait, red nga pala si Satanas. So siguro hindi.
Imbes na sumagot sa tanong ko, naglakad lang palapit sa pinto si Black at mukhang pagsasaraduhan kami ng pinto. The two stepped back pero hinarang ko iyong kamay ko kaya sa huli, naipit iyon.
"Aray! Fuck!"
Kaagad namang niluwangan ni Black iyong pinto habang natawa iyong dalawa. Tumingin sa akin si Black at walang kaemo-emosyong nagsalita.
"Sorry."
Then he closed the door.
Napanganga naman ako. Iyon na 'yon? Magso-sorry siya sa lagay na gano'n ng mukha niya?
"Hoy! Bakit ba ang attitude mo ha?!"
Kinalampag ko pa iyong pinto kaya malakas akong binatukan ni Giovanni. Nauntog tuloy iyong noo ko sa pinto kaya humagalpak ng tawa si Ethan.
"Ang ingay mo talaga," sabi ni Giovanni.
I glared at him. "Bakit ba ang hilig-hilig mong mangbatok? Akala mo ba hindi masakit ha?! Masakit ka—"
Napatigil ako sa pagsasalita nang lagpasan niya lang ako at sabay silang naglakad ni Ethan papunta sa hagdan. Napanganga na lang ako at nagpabalik-balik ang tingin sa nakasaradong pinto ng kwarto ni Black at doon sa dalawang gago na pababa ng hagdan.
Hindi ba alam ng tatlong 'yon ang rumespeto sa mas gwapo sa kanila?
---
It's already seven in the evening at madilim na sa labas. Saktong pagkababa ko ng hagdan, nakita ko sila Giovanni at Ethan na papasok sa dining area.
Tumingin-tingin ako sa paligid at hindi nakita si Black. Kaagad akong sumunod doon sa dalawa at inakbayan sila na mukhang kinagulat pa nila.
"You almost gave me a heart attack, Stephen."
BINABASA MO ANG
4 Dark Kings
ActionHidden behind the walls. Moving within the darkness. And can only be seen through shadows. That's the life of Dark Kings. But things will go upside down and they will soon find themselves stepping out of their usual zones to finally expose themsel...