Dark 62: Breakdown

101 12 1
                                    

Stephen's POV

Mahabang katahimikan ang nangyari pagkatapos sabihin ni Ethan iyong totoo. He told them that Shawn was the one who killed Miss Igraine.

Pero hindi lang iyon. Sinabi niya din na lahat ng nangyari, lahat ng ito, ay si Miss Igraine ang nagplano.

Miss Igraine planned everything almost eight years ago and made her own son kill her. At lahat ng iyon ay para sa kinabukasan ng Underground City, Dark Organization, at maging ni Kiana.

At ngayon, halos hindi na maipinta ang mukha ng Queens.

Siniko ko si Ethan at pinandilatan ng mata. Tangina. Sana sinabi man lang niya na sasabihin niya sa kanila para man lang nakapag-ready ako.

Bigla-bigla na lang niyang binagsak iyong bomba eh.

"T-totoo ba lahat ng sinabi mo?"

Napatingin kami kay Kaye na siyang bumasag sa katahimikan. Tumango naman sila Kapre at Tostado.

The fuck? Lagot talaga kami kay Head once na malaman niyang may revelations na naganap dito.

Napatingin naman kami kay Alex na biglang napatayo. Nagsimula siyang maglakad-lakad habang kinakagat ang labi niya.

"That's impossible!"

Halos mapatalon naman kami sa gulat nang sumigaw siya.

"Kung pinili niyang mamatay para sa UC, edi bakit puro gulo ang nangyayari ngayon? She chose to sacrifice herself to save her children? For Kiana? Tangina naman eh!"

Sinipa nang malakas ni Alex iyong center table at parang sasabog na siya sa galit.

"Kung si Kiana ang iniisip niya, hindi dapat siya namatay! Predictions? What a joke!" She snickered. "Did she also predicted how much Kiana suffered?! Kasi kung iisipin, hindi lang sarili niya ang sinakripisyo niya. Pati si Kiana! Pati si Shawn! Pati kami!"

"Alex, calm down—"

Natahimik si Shin nang hablutin ni Alex iyong vase sa gilid at ibinato. Habang wala naman kaming magawa kung hindi panoorin lang siya.

"Putangina!"

"I see."

Napatingin naman kaming lahat kay Yumi na ngayon lang ulit nagsalita. Unlike Alex who is now filled with anger and Kaye who can't even recover from the shock, mukhang kalmado lang si Yumi at blangkong nakatingin sa kawalan.

"Thinking that Shawn was the killer and Miss Igraine was the mastermind, I finally got to connect the remaining dots."

Kumunot ang noo ni Ethan. "Remaining dots?"

"Everything. I understand everything now."

Tumayo si Yumi at blangkong tumingin sa amin.

"Leave. I don't want you here."

"Y-Yumi?"

Umiling si Ethan. "We can't leave since we still need to talk a lot of things. Kailangan nating magtulungan para—"

"We can end everything without your help. We don't need you so leave."

Nagkatinginan kami ni Giovanni na mukhang parehong naguguluhan sa inasta ni Yumi.

Tinalikuran na kami ni Yumi at akmang aakyat sa hagdan nang magsalita si Ethan.

"Don't you think you are being too selfish?"

Tumingin kami kay Ethan with a "what are you saying" look pero hindi niya kami pinansin.

"Selfish?"

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon