Dark 49: Cook

104 11 10
                                    

Giovanni's POV

Halos isang linggo na ang lumipas simula nang mawala sa amin si Razed. Mahirap noong una pero natanggap na din namin.

The organization offered another informant to Black but he refused. Ayaw na naming mandamay ng iba at katulad ng dati, kaming apat na lang muna siguro.

But to also stay updated, Kenzo said any necessary informations will be sent to Ethan. Para naman may alam kami sa mga nangyayari kahit wala na si Razed.

Napabuntong hininga ako at tinapos na ang niluluto ko. Pinatay ko na ang stove at naghain na. Tatawagin ko na sana sila para kumain ng tanghalian pero sunod-sunod na silang pumasok dito at umupo.

"Hindi naman halatang gutom kayo, ano?"

"Dami mong sinasabi. Umupo ka na lang."

Nginiwian ko na lang si Stephen pero umupo na din. It's almost twelve at mabuti na lang maaga akong nagsimulang magluto kanina.

We were just talking about nonsense things while eating when Ethan's phone suddenly beeped. Napatingin kami sa kanya nang ilabas niya ang phone niya at tinignan ito.

"Anong meron?" tanong ni Stephen habang ngumunguya.

Hindi naman siya sinagot ni Ethan at pumindot lang sa phone niya.

"They will never support me for I am a good senator in their eyes!"

Napakunot kami nang marinig ang boses ni Magda Avelino mula sa phone ni Ethan. Hinarap na niya sa amin ang phone niya at doon namin nakita ang mukha ni Mrs. Avelino at parang galit pa siya.

"It is being broadcasted live," sabi ni Ethan. "It started just a few minutes ago but already have millions of views and thousands of shares. She's trending now."

"Fuck. Tingin niyo sila Asawa—este sila Alex na naman 'yan?"

Pinigilan kong mapangisi sa sinabi ni Stephen habang tumango naman si Black.

"Probably."

"Kung gano'n alam na din nilang General si Mrs. Avelino at siya ang target nila ngayon," sabi ko. "Anong gagawin natin?"

After I asked that, Ethan stood up. Medyo nagulat kami sa biglaang pagtayo niya pero sinenyasan niya lang kaming tumayo na din.

"Let's make sure first. Kung sila ang may gawa nito, kailangan nating masiguro na walang mangyayaring masama sa kanila. Especially now that we still don't know the traitor Razed warned us about."

Nagkatinginan lang kami at tumango na. Nagpalit kami ng damit at kaagad na umalis ng bahay. We found out that Mrs. Avelino is now in Pampanga because of an event so the video was surely taken there. Lalo na kung live iyon kanina.

Natapos na ang live ilang minuto matapos naming umalis ng bahay. Trending na siya ngayon sa buong bansa at may hashtag pa na alisin daw siya sa Senado.

We couldn't agree less. Marami naman siyang nagawa pero mas doble nga lang ang masasama. And for me, she's not deserving to be part of the government.

Sapat na ding ebidensya iyong live kanina para masibak siya sa pwesto lalo na't sa kanya mismo nanggaling na nagbubulsa siya ng pera na hindi naman para sa kanya. Kung ginagawa niya iyon sa foundation niya, siguradong gano'n din sa pamahalaan.

And I think, like Villareal, she'll soon be kicked out from the organization.

Sa bilis ng pagpapatakbo ni Stephen at sa dami ng alam niyang shortcuts, wala pa yatang isang oras ay nakarating na kami sa branch ng foundation ni Mrs. Avelino dito sa Pampanga. Mukhang bagong bukas lamang ito base sa ribbon na nakasabit malapit sa entrance.

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon