Dark 9: Success

113 9 0
                                    

Giovanni's POV

After Head announced the main agenda of this event, he gave us time to decide. Nagsimula na ang kainan upang magkaroon ng oras ang mga members na magdesisyon.

Pero kahit naman isipin nila nang isipin, isa lang naman ang pagpipilian nila. And that is the last option.

Sana lang talaga at tuparin nila ang mga pinangako nila. Madami kaming hawak laban sa kanila at hindi man namin sila gustong takutin gamit ang mga iyon, wala kaming pagpipilian.

If we won't do that, the Queens will die. And we will never let that happen.

"I really wonder why they are here."

Napatingin naman ako kay Ethan dahil sa biglang sinabi niya. Nakatingin siya kay nila Mr. Montefalco.

"Biglaan naman kasi iyong pagsulpot nila dito," sabi ni Stephen at bumaling sa akin. "Hoy, bakit nandito 'yang father-in-law mo?"

Nanlaki ang mga mata ko. "A-ano?"

"Si Mr. Morgiana, 'di ba father-in-law mo siya?"

"Hayop ka talaga. Manahimik ka nga."

Nginisian niya naman ako at mukhang may sasabihin pa pero pinatahimik na kami ni Ethan. Doon lang namin napansin na nasa harapan si Mr. Zedler habang may hawak na mic.

"It's already time. But before we proceed, let me tell you why Mr. Montefalco and the other leaders of Mafia and Gangster Organizations are here."

Nagkatinginan kaming tatlo. Mukhang masasagot din naman ang mga tanong namin.

"They will not vote since only DO members can vote. But they are here to just let you know that they are against of recruiting and killing the Queens," Head said. "They said that the Queens benefit their organizations even if they are outcasts. They prevent problems to grow in foster and for them, Underground City needs the Queens. Am I right?"

Mr. Montefalco and the others nodded. Napatango-tango din si Ethan.

"I think I already know why they are here," bulong niya.

Nagkibit balikat na lang ako dahil nakukuha ko na din ang ideya ng biglang pagdating nila. They are here not to vote but to pressure the members.

Dahil nga nirerespeto ng lahat si Mr. Montefalco at alam din namin kung gaano kapangyarihan ang mga pamilya nila, sa oras na magsabi sila ng opinyon, that will surely be considered. Not because they are right but because they are powerful.

While feeling their presences during the voting, the members will start to feel pressured. Feeling that they are being watched so at the end, they are more likely to choose the option that sides with their opinions said by Head.

Hindi ba't ang gandang tactic nito?

"Shall we start?"

Pakiramdam ko nakangisi si Head. Siguradong naiisip na din niyang gagana ang mga plano namin.

Sa dami ng ginawa namin sa mga nakaraang araw, imposible na lang na hindi kami magtagumpay. Nagpakahirap kami ng ilang araw kaya dapat gumana talaga lahat ng ginawa namin.

Pagkatapos ng ilang minuto, biglang bumukas ang pinto ng hall at nagsipasukan ang ilang lalaki. Each one of them is holding a tablet. At sa tingin ko, doon kami magvo-vote.

Pumwesto ang mga lalaking iyon malapit sa mga tables. When Head gave them the signal, kaagad silang kumilos at hinarap sa mga members ang tablet.

May lumapit din sa aming lalaki. He showed the tablet first to Stephen. May pinindot siya doon bago mabilis na hinarap sa akin ng lalaki ang tablet.

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon