Special Chapter #2: Wall

176 16 23
                                    

Giovanni's POV

Tumingin ako sa sarili ko sa salamin. I'm wearing a white shirt topped with a  checkered polo and black jeans. Tapos ay white sneakers.

Okay na kaya 'to?

Inabot siguro ako ng halos 30 minutes habang nakatingin sa salamin. Not that I'm not confident about myself. Pero dahil si Kaye ang makakasama ko, I need to be always at my best.

Sa huli, napatango na lang ako. Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba. Nakita kong naghihintay doon si Sebastian, my own secretary.

"Sir Giovanni, are you sure you don't want any bodyguards to accompany you?"

Tumango ako. "Hindi na kailangan iyon."

"But something bad may happen to you."

"Don't worry, Sebastian," sabi ko at ngumiti. "Isa pa, Kaye and I are both Royalties. At alam mo naman kung anong ibig sabihin no'n."

"Bu that's more why we need some people to guard you."

Napabuntong hininga ako. Kasama ko na si Sebastian simula nang maitatag ang Royal Village. And since he was personally appointed to me by my father, masyado siyang loyal at protective sa akin.

It's not a bad thing though. Minsan nga lang, medyo sumosobra na umaabot sa ganito.

"We couldn't let anything bad happen to you and to Miss Kiera. And you're too important to waste your time on low lives in case an attack against you was launched."

See? Nagiging exaggerated na naman siya.

"Thank you for your concern," sambit ko at sumeryoso. "But you're not doubting the strength of Royalties, are you?"

Mukhang nagulat siya sa tanong ko at sa bigla kong pagsiseryoso kaya mabilis siyang umiling.

"O-of course not, sir! I wouldn't dare—"

"Kung gano'n, pwede na ba akong umalis nang mag-isa?"

In-emphasize ko pa iyong huling salita kaya sa huli, napatango na lang siya. Umatras siya at yumuko kaya naglakad na ako papuntang pinto.

Then I remembered something.

"Oo nga pala. Siguraduhin mong ila-lock mo ang pinto ng bahay pati na din ang mga bintana bago ka umalis."

"Yes, sir."

Well, ayokong umuwi nang magulo na naman ang bahay. May ugali pa naman si Stephen na bigla-bigla na lang papasok at mangangalkal sa ref at sa mga gamit ko.

Tumango lang ako kay Sebastian at ngumiti bago lumabas. Nakahanda na ang kotse sa labas kaya kaagad akong sumakay at nag-drive papuntang bahay ng mga Morgiana.

Inabot lang siguro ako ng limang minuto. Well, living in the same village is convenient.

Lumabas ako ng kotse at magdo-doorbell na sana nang bumukas na ang gate. Kaye stepped out while wearing a fancy red dress.

Sandali akong natigilan dahil akala ko nakakita ako ng anghel. Pero napangiti din ako agad nang mapansing medyo namumula siya.

I know it wasn't make up dahil hindi naman nag-a-apply ng make up ang Queens. At kung oo, light make up lang.

She's shy, isn't she?

"Ang ganda mo ngayon."

Mas lalo siyang namula dahil sa sinabi ko kaya muntik na akong matawa. Sinamaan niya ako ng tingin kaya umayos agad ako.

"Tara na?"

Nilahad ko ang kamay ko.

"P-para sabihin ko sayo, hindi ako excited ngayon," sabi niya.

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon