Giovanni's POV
Pagkatapos umalis ni Kiana papunta sa lugar kung saan sila dating tumira, ilang araw siyang nawala. Kaya naman hinanap siya ng Gehenna at Shadows kasama na din sila Kaye.
But every time they will attempt to enter the province, hinaharang daw sila ng Ruffians. Para bang binabantayan nila ang buong paligid.
Pero pagkatapos din ng apat na araw, bumalik na siya. Hindi ko pa din makalimutan hanggang ngayon kung anong klaseng Kiana ang nakita namin pagkabalik niya.
It was as if she became a different person. After that, the heiresses also seem to change. May nagbago sa pagkatao nila o mas tamang sabihin, lumabas iyong totoong pagkatao nila.
And I can't help but to shiver because of that.
Nangyari ang sinabi ni Head at hindi na ako magtataka kung alam din nila kung anong susunod na mangyayari. I really can't believe Miss Igraine predicted what will happen.
But it's possible though. With the fact that she knows her daughter too much and the people around her, hindi mahirap para sa kanya ang malaman kung anong susunod nilang gagawin.
Sa nakalipas din na araw, iniwasan muna namin ang heiresses. Tumulong kami sa paghahanap kay Kiana pero pagkabalik niya, dumistansya kami.
You can't blame us. Nakokosensya pa din kami sa nangyari at ang malala pa, hindi namin maamin sa heiresses mismo na may kasalanan kami.
And it sucks. It sucks too much it hurts.
Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng van. Madilim na sa labas at lumalamig na din pero pinanatili kong nakabukas ang bintana.
We are on our way to our mansion here in the Philippines. May water shortage kasi at walang tubig sa bahay namin sa GCU. Bukas pa naman daw maaayos iyon kaya minabuti naming dito na lang sa bahay namin matulog ngayong gabi.
Wala din naman ang parents ko ngayon at bumalik sa Italy. I think there's a problem in the company they need to fix.
Kaagad na bumukas ang gate kaya nagtuloy-tuloy lang sa pagmamaneho si Stephen. He soon stopped the van in front of the mansion and we went out.
"Bakit parang magkamukha ito at iyong mansion niyo sa Italy?"
"Ewan ko. Hindi naman ako 'yung nagtayo n'yan."
"Walang kwenta naman 'yang sagot mo!"
"Walang kwenta din kasi 'yang tanong mo."
Napanganga siya. "Aba hoy, Kapre! Uma-attitude ka na din ah! Nagmana ka ba kay Black?"
I shrugged while Black just glanced at Stephen. Pumasok na kami sa loob at kaagad namin kaming sinalubong ng mga maids.
Dumiretso kami sa dining area para kumain dahil hindi pa kami nag-dinner. Hindi din kasi ako nakaluto dahil nga walang tubig sa bahay.
Nagsimula kaming kumain at nagsimula ding mag-ingay si Stephen. Napapailing na lang tuloy kami dahil mukhang hindi kayang manahimik ng lalaking ito kahit ilang minuto lang.
While we are eating, I noticed Ethan only looking at his food. Tahimik siya at mukhang hindi mapakali.
"Ethan? Ayos ka lang?"
Tumango siya. "Yeah."
Hindi na sana ako magtatanong ulit pero mukhang hindi talaga siya okay. Maging sila Black ay napatingin na din sa kanya.
"Are you sure?"
He looked at me and looked like he's hesitating. Tapos bigla siyang bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
4 Dark Kings
AcciónHidden behind the walls. Moving within the darkness. And can only be seen through shadows. That's the life of Dark Kings. But things will go upside down and they will soon find themselves stepping out of their usual zones to finally expose themsel...