Dark 6: Not Powerful Enough

146 10 2
                                    

Stephen's POV

"Can you hand me the soy sauce?"

Hindi ko pinansin si Black at umaktong walang naririnig. Sa huli, si Giovanni na lang ang nag-abot ng soy kay Black. Nandito kasi kami ngayon sa dining area at kumakain ng breakfast.

At hanggang ngayon, hindi ko pa din pinapansin si Black. Hindi naman sa nagtatampo ako pero parang gano'n na nga.

Bigla namang pinukpok ni Giovanni ng kutsara ang ulo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba?! Inaano ba kita?"

"Ano bang inaarte-arte mo?" tanong niya pero umirap lang ako. "Bakit hindi mo pinapansin si Black?"

"Hayaan mo siya tutal si Ethan naman pinakagusto niya."

Napataas ang mga kilay ni Ethan habang nginiwian ako ni Giovanni. Kahit kailan talaga at siya palagi ang nang-iinis sa akin.

"Hindi ka pa din ba nakaka-get over kagabi? Ako nga din hindi niya pinili, nag-inarte ba ako?"

I rolled my eyes. "Magkakaiba ang mga tao kaya huwag mo akong igaya sayo."

"Bakit? Tao ka ba?"

Napanganga ako. "Hindi ka din naman tao! Kapre ka! Kapre!"

"Haynako, Stephen."

Umirap lang ako ulit habang tumikhim si Ethan.

"Hindi ka ba napapagod kakairap, Stephen?"

"Manahimik ka, Tostado."

This time, si Ethan naman ang napanganga at nabitawan pa iyong kutsara na hawak niya. Humagalpak naman ng tawa si Giovanni at nakita kong napangisi si Black.

"W-what did you just call me?"

Umirap lang ako ulit. Bagay naman sa kanya iyon tutal parang tostadong lechon iyong balat niya. Hindi naman siya iyong negro type pero moreno siya. Ah basta, maitim siya nang medyo-medyo.

Ethan just glared at me at kumain na lang. Mabuti naman at wala na siyang sinabi. Totoo naman iyong mga sinabi ko eh.

"Anyway, we are going to meet Kenzo Loshiwa today."

Sabay-sabay naman kaming napatingin kay Black dahil sa sinabi niya. Kenzo Loshiwa? Iyong General?

"Why?"

"To convince him."

"Kasama kami?" tanong ni Giovanni.

"No. I just need you to serve as a lookout," sabi ni Black. "I'll talk to him alone but I need you to be there in case something happens."

"Why? Do you think he'll kill you?" tanong ni Ethan.

Kumunot ang noo ko. "Pero 'di ba bawal 'yun?"

"He can't kill me. But who knows? Every General is smart. He may have found a way to kill me if ever he sees me as a threat in his plans."

Napatango-tango na lang kami sa sinabi ni Black. May punto naman siya at hindi namin pwedeng hayaang mangyari iyon dahil sa oras na mamatay ang gago na 'to, plano naman namin ang magugulo.

Biglaan ang gagawin namin ngayon pero siguradong hindi din naman kami mahihirapan.

Syempre, kasama nila ako. Kagwapuhan ko pa naman lucky charm ng grupo.

---

Hininto ni Black ang kotse sa tapat ng isang restaurant habang hininto ko naman ang van ilang metro mula doon. Magkahiwalay kasi kami ng sinakyan para hindi mahalata na kasama niya kami.

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon