Giovanni's POV
"Anong gagawin natin ngayon?"
Walang nakasagot sa tanong ni Stephen at halatang nag-iisip kaming lahat. Muntik nang maging successful ang plano namin kanina pero hindi namin inaasahan ang isang bagay.
Kiana hates the Montefalcos.
Pagkatapos ng nangyari kanina, Ethan did some investigating. We found out that the Montefalcos don't have a good relationship with her except from Kaye.
Napansin ko nang may mali sa pakikitungo niya sa kanila noong dinner. Pero hindi ko inaasahan na gano'n kalala.
Pero kung iisipin, tingin ko normal lang iyon dahil sa mga nangyari noon. Pinatalsik kasi ni Mr. Montefalco si Miss Igraine noon sa Montefalco Crown upang siya ang maging chairman. Pinagtulungan nila kasama ang mga Morgiana sila Miss Igraine kaya umalis sila at pumunta sa isang probinsya.
But of course, that was only an act. But it looks like Kiana doesn't know that and she started hating them ever since that day.
Tumingin ako ulit doon sa tatlo at nakitang tahimik pa din sila. It's already Thursday morning and we decided not to attend our classes for today.
Buti nga pumayag si Ethan dahil hindi din naman kami makakapag-concentrate.
"Tutunganga na lang ba tayo dito?" muling tanong ni Stephen. "Pwede naman nating subukan ulit, 'di ba? Pero this time, sabihin nating nanalo sila sa isang raffle o nanggaling sa mga Morgiana iyong kotse. Sigurado namang tatanggapin nila iyon."
Umiling ako. "Sa tingin ko, hindi gagana 'yan. Hindi naman sumasali sa mga raffle sila Kaye at masyadong matalino si Yumi para malaman na hindi talaga galing sa mga pamilya nila iyong kotse. Idagdag mo pang magkasing galing sila Alex at Ethan pagdating sa mga computers kaya siguradong malalaman nila kaagad kung may mali o hindi."
"Wow. Nicknames na nila ang tawag mo sa kanila. Close kayo?"
I just glared at Stephen and sighed. Well, hindi naman siguro masama kung iyon na tawag ko sa kanila, 'di ba?
Mas bagay naman nila iyon kaysa sa mga totoong pangalan nila.
"Giovanni is right. It didn't succeed with Kiana, how more with the four of them?"
"Isa ka din, Tostado. Anong nakain niyo at 'yan na ang tawag niyo sa kanila?"
Halos mapasapo na lang ako sa noo ko dahil sa lalaking 'to. Big deal ba 'yon? Binatukan ko nga.
"Aray! Inaano na naman ba kita?"
"Silence."
Kaagad kaming natahimik at napatingin kay Black. Nakakrus ang mga kamay nito at nakasandal sa sofa. He has a dark aura surrounding him. He looks upset.
"Are you alright, Black?"
"Yeah."
"Sus! Halata namang hindi," sabi ni Stephen at nagkibit balikat. "Sabagay. Sino bang matutuwa kung iyong milyon-milyong pera mo napunta lang sa wala?"
Right. Black spent millions for that car but we failed. Dahil hindi naman niya iyon magagamit at may sarili na siyang sasakyan, nakatambak na lang iyon ngayon sa mansion nila.
Haynako. Kawawang Black.
We all looked at the door when we heard it opened and Razed went in. Hinihingal pa ito na parang tumakbo.
"M-Masters..."
"Anong kailangan mo?"
Huminga siya nang malalim at umayos ng tayo. Then he seriously looked at us.
BINABASA MO ANG
4 Dark Kings
ActionHidden behind the walls. Moving within the darkness. And can only be seen through shadows. That's the life of Dark Kings. But things will go upside down and they will soon find themselves stepping out of their usual zones to finally expose themsel...