Dark 26: Speed, Locations, And Routes

120 11 0
                                    

Stephen's POV

Halos mapaatras kami sa pagkakaupo dahil sa gulat nang maglapag bigla si Black ng madaming papel sa center table. Kahit kailan talaga at walang warning na binibigay ang gago na ito. Tsk.

Kumunot ang noo namin ni Giovanni at sabay pang nagtanong.

"Ano 'yan?"

"Papers."

Napairap ako. "Alam namin! I mean, para saan? At ano ba 'yang mga nakasulat d'yan?"

"Letters."

Ngali-ngali ko nang masapak si Black dahil sa mga sagot niyang kinulang sa katinuan. Nginisian lang naman niya ako at mukhang nanadya talagang mang-asar.

Natawa naman si Giovanni habang napairap na lang ako. Hindi na creepy si Black. Annoying na siya. Tsk.

"That will lead us to the Queens."

Napatingin naman kami kay Ethan na pababa ng hagdan. Lumapit siya sa amin at umupo sa tabi ko habang pareho kaming napakunot ng noo ni Giovanni.

"Will lead us to the Queens?" tanong niya. "Anong ibig niyong sabihin?"

"These are the records of the gang fights for the whole year. The place where it happened, the date when it happened, the time it started and also when it ended," sabi ni Ethan. "Pero kasali din d'yan ang oras ng pagdating ng Queens. If we observe the time, distance, and their speed, pwede nating malaman kung saang direksyon sila nanggagaling. Then we can find a certain area and can eventually point where their house is."

Napatango-tango naman kami at kaagad na naintindihan ang gusto niyang sabihin. Pero napakunot noo ako ulit nang may maalala.

Pero imbes na magtanong, tinignan ko na lang iyong mga papel. Ilang araw na din kaming walang ginagawa. Maybe it's time para pagtuunan ulit namin ng pansin ang Queens.

"Mabilis silang nakakarating sa mga gang fights pero hindi natin alam kung saan sila dumadaan," sabi ni Giovanni. "It's either they are manipulating CCTV footages or they are going through a hidden route."

Tumango naman si Ethan. "I also think the same. But basing from the locations, it's still possible to pinpoint the roads they are taking."

"May mapa ka ba, Ethan?"

Pare-pareho naman silang napatingin sa akin. Hindi naman sila nagtanong at inabutan ako ni Black ng isang malaking mapa kung saan makikita ang buong city.

Muntik pa nga akong mapaatras sa pagkakaupo dahil sa gulat. Kahit kailan talaga ang lalaking ito. Tsk.

Nilapag ko iyon sa center table. Buti na lang at kasya kahit na may kalakihan.

Kinuha ko iyong papel kung saan nakalagay iyong mga location ng mga gang fights ilang buwan na ang nakakaraan. I also took the marker at minarkahan ang mapa.

Nilagyan ko ng 'L' lahat ng locations. After that, kinuha ko iyong isa pang papel kung saan naman nakalagay iyong oras ng pagdating ng Queens at oras ng pagsisimula ng gang fights.

Pabalik-balik ang tingin ko sa papel at sa mapa. After a few glances, minarkahan ko ang mga possible routes na pwedeng ginamit nila.

Pagkatapos kong gumuhit ng ilang linya, tumingin ako ulit sa papel.

"Apat lang ang pwede nilang daanan pero mas mabilis silang nakakarating sa gang fights kung nasa bandang south ito," sabi ko at tumingin sa papel. "Nakakarating sila in less than ten minutes kapag nasa south ang gang fight, more than ten minutes but less than twenty naman kapag sa north, at mga ten minutes or more lang kapag sa west at east. We can conclude na 150 miles per hour ang speed ng mga sasakyan nila o mas mataas pa."

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon