Stephen's POV
Fuck.
Umaga na pero hindi man lang ako nakatulog. Kahit pinaghiwalay namin ng kwarto ang Queens, hindi pa din ako kampante na ligtas sila.
Lalo na at tinawagan kami ni Kenzo kagabi at sinabing binantaan din siya ni Kiana na sasaktan niya sila Alex. Alam ko namang wala siyang laban doon sa tatlo but it's not enough.
Sa oras na may mangyari sa tatlong 'yon, a bigger chaos will start. UC will fall.
Napaangat ang tingin ko nang marinig na bumukas ang pinto ng kwarto ni Alex. Kanina pa ako nakatayo sa tapat ng kwarto niya para siguraduhin na hindi papasok si Kiana.
I smiled. "Good morning, Asawa Ko!"
Sinara niya ang pinto at naglakad sa hallway na parang wala siyang narinig. Nilagpasan niya lang ako na parang hindi niya ako nakita kaya kaagad na nawala ang ngiti ko.
Alam kong galit sila. Doon pa lang sa mansion nila Shin, ramdam ko ng galit sila sa amin. Sanay na din naman ako sa ugali niyang palaaway at bungangera.
Pero iyong cold treatment na binibigay niya ngayon, I didn't expect na maaapektuhan ako dahil doon.
Sinundan ko lang ng tingin si Alex hanggang sa makababa siya ng hagdan. I sighed and shrugged it off.
Sino ba naman ako para i-expect na magiging maayos pa din ang lahat after ng mga nangyari? Gwapo lang naman ako.
"Stephen?"
I looked back and saw Giovanni. Babatiin ko pa lang sana siya nang sabay na lumabas sila Yumi at Kaye sa mga kwarto nila.
Nagkatinginan kaming apat at mukhang ayos naman na silang dalawa. Para ngang walang nangyari.
"G-good morning," nauutal na sabi ni Giovanni.
Pinilit niya pang ngumiti.
"Morning," tipid na sagot ni Kaye.
Tinanguan lang naman kami ni Yumi. Lumabas naman si Ethan sa kwarto niya at halatang natigilan siya nang makita kami habang nag-iwas ng tingin sila Kaye.
"Do we have an early meeting today and you're all standing on the hallway?"
Napatingin naman kami kay Black na kalalabas lang din sa kwarto niya.
"Bago ka magtanong, ayusin mo muna 'yang buhok mo."
Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko at namulsa lang bago maglakad papuntang hagdan. Sumunod din naman na bumaba sila Yumi kaya sumunod na din kami.
Nagpaluto na ako ng breakfast kanina pa kaya siguradong ready na ngayon ang pagkain.
Nang makapasok kami sa dining area, nandoon na sila Gelo at Draven. Kasunod din naming pumasok si Chino.
But we didn't expect na nandoon na din si Kiana. She's even seating next to Alex while holding a bread knife near Alex's neck!
Sa sobrang taranta ko, mabilis akong lumapit sa kanila at hinila iyong kutsilyo. Hindi iyon masyadong matalim pero nasugatan pa din ang kamay ko.
"Ano bang ginagawa mo?!"
Halatang nagulat sila sa ginawa ko at sa biglang pagsigaw ko. Pero kalmado lang akong tinignan ni Kiana.
"Ako yata dapat ang nagtatanong—"
"You were pointing the knife on her neck! Balak mo ba siyang pata—"
"Huwag kang OA."
Napaawang ang labi ko. "A-ano?"
"She asked for it since hers isn't sharp enough. Inaabot ko lang sa kanya."
BINABASA MO ANG
4 Dark Kings
ActionHidden behind the walls. Moving within the darkness. And can only be seen through shadows. That's the life of Dark Kings. But things will go upside down and they will soon find themselves stepping out of their usual zones to finally expose themsel...