Dark 29: Mystic Ruffians

141 7 2
                                    

Giovanni's POV

Hanggang ngayon, 'di ko pa din makalimutan iyong nangyari kanina. Inaasahan ko naman na hindi gano'n kadaling matalo si Kiera. Pero ang hindi ko inaasahan, walang nanalo sa amin.

It's okay with me if she won, I'll accept it wholeheartedly. Pero draw?

Kitang-kita ko 'yung disappointment at inis sa mukha niya dahil sa result. Pakiramdam ko tuloy kasalanan ko. Tsk.

"Kapre."

Napapikit ako kaagad nang mariin nang marinig ang boses ni Stephen. Tinawag pa akong kapre. Ano na naman kayang problema ng lalaking 'to?

"Hoy, Kapre!"

I glared at him. "Hindi Kapre ang pangalan ko. At ano bang kailangan mo at nandito ka sa kwarto ko?"

Pumasok na siya nang tuluyan sa kwarto ko at tumalon pa paupo sa kama ko. I just breathed out while also sitting on my bed. Halos five o'clock na ng hapon pero mukhang balak pa din niyang mambulabog.

"Sa tingin ko kailangan din natin ng nicknames."

"Nicknames?"

"Oo. Narinig mo 'yung tawag ng heiresses sa isa't isa? Kaye, Alex, Yumi tapos Kiana. Pangit 'yung nicknames nila, kasing pangit nila."

"O-okay?"

Inirapan niya ako, probably noticing that I cannot follow what ever he is talking about. Bakit ba nasali ang heiresses at ang nicknames nila sa usapan? Tapos nilait niya pa.

"Ano ba kasing sinasabi mo?"

"Gawa din tayo ng nicknames!"

Kumunot ang noo ko. "Gaya-gaya lang?"

Binatukan naman niya ako kaya kaagad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Kung ayaw mo, edi ako na lang. Tsk."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama ko at nagmartsa papuntang pinto. Pero bago tuluyang lumabas, lumingon pa siya sa akin at ngumisi.

"Bye, Kapre! Iyan na ang tawag ko sayo simula ngayon!"

Tatawa-tawa siyang lumabas ng kwarto ko. Pero kahit nakalabas na siya, naririnig ko pa din ang malakas niyang tawa.

"Okay?"

Napailing-iling na lang ako. Sinusumpong na naman yata ng kagaguhan ang lalaking iyon at kung ano-anong iniisip.

I was planning to rest while lying on my bed before Stephen entered my room. Pero dahil sa kanya, nasira na ang pagpapahinga ko.

Napabuntong hininga na lang ako at lumabas na ng kwarto ko. Pumunta ako sa sala at naabutan iyong tatlo doon.

Napakunot noo pa ako dahil parang naiinis si Ethan habang tumatawa si Stephen. Habang si Black naman, parang walang pakialam sa kanila at sa phone niya lang ang tingin.

"Shut up, Stephen."

"Ano dinner natin mamaya, Tostado? Huwag naman sana tostadong hotdog."

Napasapo na lang ako sa noo ko nang ma-realize kung anong nangyayari. Mukhang pinandigan niya iyong tungkol sa nicknames.

"Oh, Kapre? Akala ko ba magpapahinga ka?" tanong niya nang mapansin ako.

"Haynako, Stephen. Tigilan mo nga ako."

"Nagtatanong lang naman ako, Kapre."

Nagkatinginan na lang kami ni Ethan at parang pareho naming gustong suntukin na si Stephen ngayon. Ano ba kasing trip ng lalaking 'to?

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon