Dark 45: Name

103 9 0
                                    

Giovanni's POV

Nandito pa din kami sa rooftop ng building na malapit sa hotel at inoobserbahan ang mga nangyayari sa ibaba. And Stephen kept asking questions so Ethan answered him.

Tahimik namang nakasandal sa pader sa gilid si Black at nakapikit. Natutulog kaya siya? Humihikab kasi siya kanina.

Napatingin naman ako doon sa apat. It looks like Kenzo is giving orders to the girl which, if I'm not mistaken, is Samara. Siya iyong babaeng sumalubong sa amin sa Zedler Mansion noong unang beses kaming pumunta doon.

Ang bata niya pero kaya na niyang paliparin ang isang helicopter. Maybe she's one of the lucky young people who were personally chosen by Head to work for DO.

"Can't we go home yet?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ko. Pagkatapos ay nakita ko si Black sa tabi ko na casual lang na nakatayo at nakatingin sa amin.

Tumingin ako sa iba at mukhang hindi lang naman ako ang nagulat.

"Sa susunod," huminga nang malalim si Stephen bago siya samaan ng tingin, "huwag kang manggugulat!"

"Tsk."

"Just wait a little longer until the Dark Guards are done," sabi ni Cairo.

Tumango lang naman si Black at napatingin kami kay Samara nang yumuko ito sa amin. Nagkatinginan pa sila ni Shawn bago siya sumakay sa helicopter at pinalipad ito palayo.

Kenzo looked at Shawn. "Dapat sumama ka na."

"Ayoko pa, Kuya Kenzo. I want to make sure everything is settled here before I go back."

Nagkatinginan kami dahil sa sinabi niya. Is it just me or he sounds more mature than the kids around his age?

Tumikhim naman bigla si Ethan kaya napatingin kami sa kanya.

"About that girl, who is she?" tanong niya. "We saw her once inside Zedler Mansion and it looks like she's already working for Head. But she's surprisingly too young for this kind of work."

Nagkibit balikat si Kenzo. "She's Samara. Her parents work for DO but the thing is, they needed to move to the mansion years ago. Head agreed to also take her in and they trained her ever since."

Napatango-tango naman kami. That means, she's just like us. Mas bata nga lang kami noon at hindi si Head ang pumili sa amin kung hindi si Miss Igraine.

"Para din siyang personal bodyguard ni Shawn tutal lagi silang magkasama," sabi ni Kenzo at biglang ngumisi. "Pero pwede ding girlfriend. Right, Shawn?"

"S-she's not my girlfriend."

Stephen smirked. "Weh? 'Di nga?"

"Pero may crush ka sa kanya?" tanong ko. 

"Wala ah!"

Tumaas ang tono ng boses niya kaya bigla siyang natigilan. He gulped and looked at me again.

"I-I mean, wala po, Kuya Giovanni."

Napangiti na lang ako at tinapik ang ulo niya dahil mukhang nahiya siya. I can say that he's a good kid.

"Bawal pa siyang magka-girlfriend dahil masyado pa siyang bata, silang dalawa ni Samara. Tito Klinton will surely oppose that," sabi ni Cairo. "Ang speaking of Tito Klinton, siguradong mapapatay niya kami kapag may nangyari sayong masama."

Bigla niyang piningot ang tenga ni Shawn kaya napadaing ito habang nanlaki ang mga mata namin.

"A-aray ko, Kuya!"

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon