Dark 41: Engaged

136 9 0
                                    

Giovanni's POV

It's been days since the Underground Ball. Nalaman naming ang Ruffians pala ang sumugod ng gabing iyon at naisahan nila ang Dark Guards kaya sila nakapasok.

Hindi ganoon karami ang namatay dahil mukhang iisang tao lang ang target nila. And it was Shawn. The reason is still unclear to us but we already have an idea.

Base from our observations when we watched the footages Ethan retrieved from the broken cameras inside the venue, si Shawn talaga ang target nila. Lahat ng tao sa loob ay kaagad na lumabas sa venue para protektahan ang mga sarili nila maliban sa Dark Guards at sa Queens.

Those girls protected him. Nagkasagupaan sila sa loob at nakalaban pa nila ang leader ng Ruffians na si Cal.

Pinagtaka lang namin ang kilos ni Cal noong nilalaban niya si Kiana. Para bang ingat na ingat siya na huwag siyang masaktan at meron time na sinamaan niya ng tingin ang isang Ruffian nang barilin nito si Yumi.

Dahil doon, we have confirmed that Ruffians don't see the Queens as their enemies. Mukhang pasikreto pa ngang tinutulungan ng Ruffians ang Queens.

But they killed Lorenzo Pascual and attempted to kill Shawn, which are both important to Kiana. Kaya sa tingin namin, pinapatay nila lahat ng may kinalaman sa pagkamatay ni Miss Igraine.

Lorenzo Pascual lied about what he saw years ago and Shawn killed her and that's why Ruffians see them as sinners.

Ang kaso lang, nagdadalawang-isip na kami tungkol sa Ruffians. Mukha kasing importante sa kanila ang isang Ruffian na pinatay ni Kiana.

Kaya sa mga nakaraang araw, binantayan muna namin nang patago ang Queens. Tatlo lang sila dahil wala si Kiana at hindi namin alam kung saan siya pumunta.

But I think it's fine since we're sure Head is monitoring her. Sana lang walang gulong simulan ang babaeng iyon.

At mas nag-aalala kami doon sa tatlo kaysa kay Kiana. Nakita namin kung paano sila nagsagutan sa resort at sa totoo lang, ang sarap sapakin ni Demon.

Para kasing wala na siya sa katinuan at ang sarili na lang niya ang pinapakinggan niya. And I'm starting to think she's kind of selfish.

"Ang lalim ng iniisip mo, ah?"

Halos mapahawak ako sa dibdib ko nang may magsalita sa likuran ko. I looked back and saw Stephen grinning from ear to ear.

"Ano na naman bang ginagawa mo dito sa kwarto ko?"

"Bakit parang galit ka? Kasalanan ko bang ngayon mo lang ako napansin?"

"I'm just asking, Stephen."

"I'm just asking blah-blah," pang-gagaya niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin habang umupo siya sa kama ko na para bang sa kanya ito.

"May sasabihin kasi ako. Nandito ka kasi eh."

"Bilisan mo. Ayoko ng istorbo."

"Maka-istorbo ka ah! Parang hindi kaibigan eh."

Inirapan niya ako kaya halos mapasapo na lang ako sa noo ko. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to.

"Ano ba kasi 'yon?"

"Ito na! Ito na," he said and suddenly looked serious. "Pupunta tayo sa Montefalco Mansion mamaya."

Napaayos ako kaagad ng upo dahil sa sinabi niya. Tama naman iyong narinig ko, 'di ba?

"Bakit naman?"

"May announcement daw."

I frowned. "Tungkol saan?"

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon