EPILOGUE

213 16 3
                                    

Stephen's POV

Busy akong nagbabasa ng mga magazines nang bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Mabilis akong napaupo sa kama at sinamaan ng tingin si Kapre na siyang pumasok.

"Hindi ka ba marunong kumatok?"

"Wala ka na bang ibang alam basahin kung hindi puro kalaswaan?"

My jaw dropped. "Hoy, anong kalaswaan? Normal ito sa lalaki!"

"Talaga? Bakit hindi ako—"

"Boring ka kasi."

Ngumisi ako nang makitang mag-iba ang expression niya. Ako pa kasi kinalaban ng gago.

"Bumaba ka na. Kakain na. Tsk."

Sinamaan niya lang ako ng tingin bago lumabas. Binalibag niya pa iyong pinto kaya hindi ko napigilang mapahalakhak.

Sa akin na naman ang tagumpay. Si Kapre talaga, hindi na natuto.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa at hindi nag-abalang bumaba. Hindi naman ako nagugutom eh.

Nag-ring naman bigla ang phone ko. Kaagad kong itong kinuha at napangiti bago sagutin ang tawag. Sabi ko na eh!

"Yes, Asawa Ko?"

"What are you doing?"

Muntik na akong mapangiwi dahil sa tanong ni Alex. At bakit parang hindi maganda ang mood niya base sa tono ng boses niya?

"Wala naman," sabi ko at napatikhim. "Bakit napatawag ang baby ko?"

"Liar."

"Hmmm?"

"Alam kong nagbabasa ka na naman ng kung ano-anong uri ng kalaswaan diyan sa kwarto mo. Don't ever show your face to me or else I'll pull out your eyes for good!"

"Wait, let me—"

Binabaan na niya ako bago ko pa man matapos ang sasabihin ko.

Maayos akong umupo sa kama at sinubukan ulit tawagan si Alex. Pero mukhang pinatay na niya ang phone niya.

Shit. Shit. Shit!

Lagot ako nito. Sigurado akong tototohanin niya iyong banta niya once na magkita kami. Baka nga nagsumbong pa 'yon sa Queens eh.

Tanginang 'yan.

"Dapat talaga sinunog ko na 'tong mga 'to eh!"

Napakamot na lang ako sa sobrang inis. Pero wait, paano niya nga pala nalaman kung anong ginagawa ko?

Napahawak ako sa baba ko, trying to use my brain kahit mukhang wala ako no'n. Hindi kaya may hidden cameras dito sa room ko? O baka naman...

Natigilan ako nang may mapagtanto.

"Kapreee!"

Tumakbo ako palabas ng kwarto ko papuntang kusina kung saan ko naabutan iyong tatlo na masayang kumakain.

"What?"

"Anong what?! Kasalanan mo 'to! Galit na naman sa akin si Alex!"

Kumunot ang noo ni Ethan. "Kailan ba siya hindi nagalit sayo?"

Inirapan ko lang si Ethan habang as usual, wala na namang pakialam sa amin si Black. Nagkibit balikat naman si Giovanni.

"Nagtanong siya, sinagot ko lang," sabi niya.

"Sana man lang pinagtakpan mo ako!"

"Huwag mo ako igaya sayo na sinungaling."

Tumango-tango naman sila Ethan at Black.

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon