Dark 61: Fire And Blood

121 4 0
                                    

Giovanni's POV

Minulat ko ang mga mata ko. My sight was blurry at first pero kaagad din itong bumalik sa normal at bumungad sa akin ang isang 'di pamilyar na kwarto.

Nasaan ako?

Doon ko na naalala lahat ng nangyari. The battle between us and Queens, how they locked us and interrogated us, and the fact that we spilled some truth.

Napabuntong hininga ako. Lumabag kami sa ilang patakaran ng DO at hindi na ako magtataka kung ipapapatay nila kami. Pero wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari.

"Tititigan mo na lang ba iyong kisame buong araw?"

Kaagad akong napatingin sa gilid ko at natigilan nang makita si Kaye na nakaupo sa upuan sa gilid ng kama ko. She's crossing her arms while seriously looking at me.

Napabangon ako kaagad pero napadaing din dahil biglang sumakit ang mga sugat ko. Doon ko lang napansin na wala akong damit pang-itaas pero nababalot naman ng bandages ang katawan ko.

Sumandal ako sa headboard ng kama at tumingin ulit sa kanya. Natigilan pa ako nang abutan niya ako ng isang baso ng tubig.

While drinking, I noticed the bandages and band-aids on her arms and even on her neck. Sigurado din akong may sugat siya sa ibang parte ng katawan niya.

We almost killed each other. Alam kong may parte pa din sa kaniya ang ayaw kaming pagkatiwalaan at galit sa amin, and I feel guilty for hurting her.

But I also don't know why just seeing her beside me feels so comfortable and reassuring.

Nagbalik ang tingin ko sa kanya nang tumayo siya at akmang lalabas.

"Kaye."

Tumigil siya pero hindi niya ako nilingon.

"Thank you for listening to us and for being safe."

Wala siya sinabi at tuluyang lumabas. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi naman ako umaasang mapapatawad nila kami nang gano'n kadali.

We hid the truth from them. Iyong katotohanan at iyong mga taong hinahabol nila buong buhay nila, alam namin. We know everything and we hid it from them.

Kaya alam kong hindi magiging madali ang lahat para sa amin.

Nanatili akong nakaupo sa kama at nakatitig lang sa kawalan sa mga sumunod na minuto. Pero napagdesisyunan ko ding lumabas para tignan kung anong lagay ni Stephen.

Hindi na ako nag-abalang magsuot ng pang-itaas dahil maliban sa wala akong damit dito, balot na balot naman ng bandages ang katawan ko.

I went out of the room and it looks like I'm on the second floor.

Madami akong nakikitang pinto dito at hindi ko alam kung nasaan si Stephen. Kung ginamot nila ako at dinala dito, siguradong iyon din ang ginawa nila kay Stephen.

But where is he?

"He's downstairs."

Kaagad akong napatingin sa gilid ko kung saan ko narinig ang boses ni Yumi. Doon ko lang napansin na nakabukas na ang isa sa mga pinto dito at nakasandal doon si Yumi.

"He's in the dining room with Alex," sabi niya at tinalikuran ako. "You better eat with him. We don't want you dying in here until we figure out how you can be useful to us."

Bago ko pa maitanong kung anong ibig sabihin niya doon, sinara na niya ang pinto. I didn't notice Kaye was in my room earlier and I also didn't notice Yumi was just standing near me.

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon