Stephen's POV
"Shit! Fuck! Fuck!"
"Stephen!"
Napamura na lang ako nang paulit-ulit nang muntik na kaming mabangga sa isang truck. Bago pa man makababa iyong driver at pagalitan kami, iniliko ko na kaagad ang van at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Nasa panganib ang Queens ngayon at kasalanan namin 'yon. We need to hurry!
"Calm down, Stephen."
"Nagbibiro ka ba, Ethan?! Paano ako kakalma kung alam nating—"
"Alam ko! Pero kung hindi ka kakalma, mababangga tayo. We won't be able to do anything if that happens. So calm down first!"
Napahigpit ang hawak ko sa manibela at hindi na nagsalita dahil may punto naman siya. Magaling akong mag-drive pero kung hindi ako magfo-focus, wala ding saysay iyon.
Huminga ako nang malalim at pinilit na kumalma. Pero kahit anong gawin ko, ramdam ko pa din iyong galit sa sistema ko.
Matapos naming makumpirma na iisa si Razed at si Yanagi Takahashi, halos manlumo kami. Sinabi namin sa kanya ang tungkol sa plano ng Queens ngayon para sana tulungan sila. But we were wrong.
Posibleng imbes na gawin ang inutos ni Black, nagsumbong na si Razed sa mga boss niya. Siguradong papunta na ang Secret Society ngayon sa mga factories and that only means that the Queens are in danger.
Pero dahil kakaalis lang din ni Razed ilang minuto bago namin malaman na siya ang kapatid ni Cus, naisip naming may oras pa. Wala na kaming oras para ihanda ang Dark Guards under ng command nila Black at Kenzo kaya ang Ruffians ang sumama sa amin.
Pumayag din naman sila kaagad dahil Queens ang pinag-uusapan dito.
Si Cal at Giovanni ang magkasama ngayon papunta sa isang factory habang kami naman ni Ethan sa isa pa. Pumunta naman si Black sa factory kung nasaan sila Alex dahil nandoon naman si Kenzo.
Cal also divided the Ruffians by three para may kasama ang bawat grupo. Gusto ko sanang ako ang pumunta kay nila Alex pero alam kong mas kailangan kong samahan si Ethan.
May dalawang Generals at madaming Ruffians na ang magbabantay sa kanya. Magiging ayos naman siguro ang babaeng iyon.
"Seven cars are approaching the factory. Drive faster, Stephen."
Napakagat labi na lang ako at mas binilisan pa ang pagpapatakbo. Alam ko ang pinakamabilis na daan papunta sa factory na na-assign sa amin pero posibleng maunahan pa din kami.
Iniliko ko ang kotse kung saan may diversion at tama nga ako dahil nakasalubong namin sila doon. Tinagilid ko ang van at hinarang sa daan dahilan para matigilan sila.
I grabbed my gun and stretched out my left arm. Kaagad akong nagpaputok at binaril ang mga gulong ng mga sasakyan nila.
Nakarinig kami ng mga sigawan sa paligid at nagtakbuhan na ang mga tao sa labas. May mga bahay dito pero wala na kaming oras para pagtuunan iyon ng pansin.
They started to fire back kaya pareho kaming napayuko ni Ethan. Buti na lang at bulletproof ang van namin.
Maya-maya pa, dumating ang madaming sasakyan sa likuran nila. Lumabas ang mga Ruffians doon at nang magsimula silang maglaban sa gitna ng kalsada, doon na kami bumaba at sumali sa kanila.
Buti na lang at hindi ito ang main road at walang masyadong sasakyan ngayon kahit tanghali.
Ethan took out his needles at binato sa kanila. He was paralyzing them kaya naging madali na lang sa akin na barilin ang mga ulo nila.
BINABASA MO ANG
4 Dark Kings
ActionHidden behind the walls. Moving within the darkness. And can only be seen through shadows. That's the life of Dark Kings. But things will go upside down and they will soon find themselves stepping out of their usual zones to finally expose themsel...