Dark 50: Traitor

98 8 5
                                    

Stephen's POV

"Ang sarap!"

Mukhang masayang-masaya si Kiana habang kumakain at ine-enjoy ang luto ni Kapre. Napangisi na lang tuloy kami pero kaagad din iyong nawala dahil kay Alex.

"Pwede na. Pwede nang pagtyagaan."

Napakunot noo ako. "Hoy. Kung ayaw mong kumain, edi huwag! Walang namimilit sayo."

Inirapan naman niya ako pero kumain pa din. Tignan niyo 'to. Mang-iinsulto pero kakain din naman. Sarap suntukin.

Wala namang sinasabi si Yumi at kumakain lang katulad ni Kaye. Si Kiana naman, parang may sarili ng mundo at hindi na namamansin. Weird.

Pinanood lang namin sila dahil tapos naman na kaming kumain. Mukhang napagod nga sila dahil ganado silang kumakain kahit na tahimik lang sila.

Nang matapos sila, kaagad nilang niligpit iyong pinagkainan nila. Sinamaan pa kami ng tingin nila Alex at Yumi na kinakunot ng noo namin.

"Why are you glaring at us?"

Hindi naman sila sumagot sa tanong ni Ethan at inirapan lang kami. Wow. Nakahithit ba 'tong dalawang 'to? Ang laki ng problema nila sa buhay ah.

"Ayos ba?" tanong ni Giovanni.

Tumango naman si Kiana at nag-thumbs up pa.

"Masarap! Mas masarap pa sa luto ni Kaye."

"Hoy! Mas masarap ako!"

Nagulat kami at napakurap-kurap sa biglang sinabi ni Kaye. Natahimik kami at mukhang doon lang niya na-realize kung anong nasabi niya.

Mas masarap siya?

"I-I mean, 'yong luto ko!"

Napahagalpak kami ng tawa, lalong-lalo na sila Alex at Kiana. Pulang-pula naman ngayon si Kaye habang hindi maipinta ang mukha ni Kapre.

Siniko ko si Giovanni. "Hoy, masarap daw siya oh."

Sinamaan niya ako ng tingin at akmang babatukan pero nakaatras ako kaagad. Tinawanan ko lang siya. Laugh trip itsura nitong dalawa.

"Iyong luto ko kasi! Ano ba!"

"Masarap daw siya! Ilagay sa kaserola 'yan!"

"Tangina! Nabaril ka lang, naging malibog ka na!"

Habang inaasar no'ng dalawa si Kaye, tumatawa lang sa gilid si Yumi. Nanahimik naman kami at pinanood lang sila na mukhang malapit nang mahimatay sa kakatawa.

Marunong din naman pa lang tumawa 'tong mga babaeng 'to. Akala ko pagsusungit lang alam nila eh.

"Whoa! Nagkakasiyahan yata kayo, ah?"

Natigilan sila at napatingin kaming lahat sa mga bagong dating. Nakita namin si Gelo kasama ang isang babaeng mukhang nagulat pa nang makita kami.

Ngayon ko lang yata nakita ang babaeng 'to. Sino siya?

"The monkey is here."

Gelo glared at Yumi pero hindi naman siya pinansin ng huli. Tinapos naman na no'ng tatlo iyong pag-aayos ng lamesa bago kami pumuntang sampu sa sala.

"Bakit kayo nandito?"

Napatingin naman kami sa babaeng kasama ni Gelo nang bigla siyang lumapit sa amin at nagtanong. Nagkatinginan pa kami.

"We just came to visit," sagot ni Ethan.

"Ang sabihin niyo, nangbulabog kayo dito."

Papatulan ko pa sana si Alex pero sinamaan na kami ng tingin ni Yumi na para bang pinapatahimik kami. Tsk.

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon