Stephen's POV
Dahil sa nangyari kanina sa gym, na-cancel ang mga klase. Nakauwi na lahat ng mga estudyante maliban sa amin at sa mga officers dahil tumulong sila sa paglilinis at pag-aayos kanina sa gym.
At ngayon, tapos na kami at pauwi na. Pagkauwi namin sa bahay, umupo lang kami sa may sala.
Silenced followed after that habang nakaupo kami sa mga sofa. Maya-maya pa, nagkatinginan kaming apat at halos sabay-sabay na napamura.
"What the hell just happened?!" bulalas ni Ethan. "Sigurado na tayo kahit walang ebidensya. But how come they were in two different places at the same time?"
"Baka naman magkaiba iyong oras?"
Umiling si Black sa tanong ni Giovanni.
"The gang fight happened around nine to ten in the evening. We came back here last night past nine o'clock. If they went to the gang fight after going here, there wouldn't be enough time."
"Madali lang naman iyon eh," sabi ko. "Posibleng may nagpanggap na Queens at sila ang pumunta sa gang fight. Habang ang heiresses naman dito."
Kanina ko pa naiisip ang tungkol sa bagay na iyon. Posible iyon tutal suotan mo lang ng maskara ang mga babae at pwede na silang magpanggap ng Queens.
Though hindi nila mapapantayan ang skills at talino ng Queens. Isama mo pa iyong charisma at aura nila tuwing lumalaban.
Ang kaso lang, kung iyon nga ang nangyari, may isang bagay ang nakapagtataka. Kaya hindi na ako nagtaka nang umiling naman si Kapre.
"Pwede. Pero nakita niyo ba iyong mga mukha ng heiresses? Parang nagulat at nalito din sila sa nangyayari."
Tumango si Ethan. "They were completely clueless."
"At imposibleng acting lang iyon," sabi ko. "Mahahalata naman natin kung acting lang iyon eh."
"Does that mean they aren't the Queens?"
Natahimik kami sa tanong ni Ethan. Natuon sa heiresses ang atensyon namin ilang buwan na ang nakakaraan dahil pinaghinalaan sila ng Generals.
We started suspecting them too ever since at iyon ang dahilan kung bakit kami napalapit sa kanila. Isama mo pa na nalaman naming anak ni Miss Igraine ang isa sa kanila.
Pero ngayon na lumalabas na hindi sila ang Queens, na magkaibang mga tao sila, parang ibig sabihin din no'n ay kailangan na namin silang pabayaan. Dahil sa nangyari, nagkaroon kami ng dahilan para lumayo.
Kailangan naming mahanap ang Queens at malaman kung sino talaga sila. Pero bakit parang na-disappoint ako sa nangyari? Bakit gusto ko na sila talaga ang Queens?
Fuck.
"Don't think about it too much. They are the Queens."
Napatingin kami lahat kay Black. Nang mapansin naman niya ang mga nagtatanong naming mga tingin, napabuntong hininga siya.
Aba dapat may explanation. Hindi namin naintindihan kung paano niya nasabi iyon eh.
"When everyone was leaving the gym, I was looking at Kithania."
Napangisi ako. "At bakit ha?"
"I was observing her. And I saw how she smiled after stepping out of the gym."
"She always smiles, Black."
"Smiling after what happened?" tanong ni Black. "And besides, that smile isn't her usual smile. It's a smile of victory."
"Sinasabi mo bang plinano talaga nila ito?" tanong ni Giovanni.
"Hindi nila. It was only Kithania."
BINABASA MO ANG
4 Dark Kings
ActionHidden behind the walls. Moving within the darkness. And can only be seen through shadows. That's the life of Dark Kings. But things will go upside down and they will soon find themselves stepping out of their usual zones to finally expose themsel...