Dark 42: Asawa Ko

152 7 0
                                    

Stephen's POV

Malalim na ang gabi pero hindi pa din ako makatulog. Siguro tulog na iyong tatlo ngayon habang ako, heto nakatulala lang sa kawalan.

Hindi ko kasi makalimutan iyong mga nangyari ngayon. Fuck. I can't really believe na fiancee ko na ngayon iyong mayabang na babaeng iyon na mahilig sa pula.

Kung iisipin, maganda naman siya. Maganda din ang hubog ng katawan at kapag nagsusungit, may pagka-hot.

Oo na! Aamin na ako, type ko siya. Pero slight lang.

Kaya sa tingin ko ayos lang. Kaysa naman kay Yumi na mas creepy pa yata kay Black o kay Kiana na mukhang laging nababaliw.

At isa pa, temporary lang din naman ito. Hindi naman talaga kami engaged sa kanila at walang kasal na mangyayari. Kapag natapos lahat ng ito, lalayuan din namin ang mga babaeng 'yon.

Napaupo ako sa kama at sumandal sa headboard.

"Lalayuan?"

Tama. Lalayuan namin sila dahil wala naman nang dahilan para lapitan pa namin ang mga babaeng iyon. Sa oras na bumagsak ang Secret Society, mamatay ang mga Generals, at makuha ni Kiana ang pwesto niya bilang Heart ng DO, tapos na ang lahat.

That also means our mission is finally done.

Pero tangina, bakit ganito nararamdaman ko? Bakit mabigat sa pakiramdam?

"Fuck. Stephen, umayos ka."

Umiling ako at nahilamos ang mukha ko. Huminga ako nang malalim at muling humiga. Imbes na mag-isip ng kung ano-ano, nag-isip na lang ako ng way para mainis si Alex.

Dahil fiancee ko na siya, dapat lang siguro na may tawag ako sa kanya, 'di ba? Endearment kumbaga.

Pero ano naman? Love? Baby? Honeybunch? Cutie pie? Bebeloves?

Napailing ako. "Pangit. Masyadong common at cringe."

Tumagilid ako ng higa habang nag-iisip pa din. Hindi cute kung umasta ang babaeng iyon at malayong-malayo sa pagiging girly. She's more like a maangas type at minsan, kilos lalaki pa.

Paano kaya kung Boo? O kaya Bogs?

"Tangina. Tunog cheap."

Tumihaya ako at nilagay sa likod ng ulo ko ang mga braso ko. Ano kayang itatawag ko doon sa babaeng iyon?

Teka, paano kaya kung Asawa Ko?

"Kumain ka na ba, Asawa Ko? Ang ganda mo ngayon, Asawa Ko! Asawa Ko, tara sa kwarto! Tangina. Mwahaha!"

Napahagalpak ako ng tawa habang sinasabi iyon at ini-imagine ang magiging reaksyon ni Alex sa oras na marinig niya iyon. Ini-imagine ko pa lang, natatawa na ako. Paano pa kaya kung nakita ko talaga?

Baka pangatlong suntok galing sa kanya ang abutin ko. Pero ayos lang, siguradong epic naman magiging reaksyon niya eh.

Malakas ako ulit na natawa nang bigla na lang marahas na bumukas ang pinto ng kwarto ko. Galit na pumasok si Ethan at sinigawan ako.

"Shut the fuck up, Stephen! Sleep already!"

Binatuhan niya pa ako ng tsinelas na madali ko lang naiwasan. Then he slammed the door habang napakurap-kurap na lang ako.

Hanggang sa matawa na naman ako. Hindi na dahil sa pagi-imagine ko kay Asawa Ko kung hindi dahil sa galit na mukha ni Ethan.

Ang pangit niya!

"Stephennn!"

---

Kasama ang Queens, lahat kami ay kumaripas ng takbo papuntang West Gymnasium. Ang ganda-ganda ng simula ng araw namin dahil mukhang napikon na naman namin sila Yumi tapos biglang dadating si Cedrick at sasabihing may bangkay sa gym?

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon