Stephen's POV
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Nandito kami sa loob ng isang private jet na bumabyahe pabalik ng Pilipinas. Nakaposas ang mga kamay at may mga baril na nakatutok sa aming apat.
Fuck.
Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkabalik namin. Ipapa-torture ba kami? Ipapakagat sa pating? Itatapon sa dagat? Ililibing nang buhay?
Sabi ko na nga ba at hindi magandang ideya ang pagpunta ng Germany eh!
Fuck. Fuck. Siguradong patay kami nito!
Tumingin ako doon sa tatlo. Magkakahiwalay kasi kami ng upuan pero nakikita ko pa naman din sila.
Kalmado lang na nakatingin sa labas ng bintana si Ethan habang nakapikit si Black. Hindi ko alam kung natutulog siya habang si Giovanni naman, mukhang humahanap ng tyempo para magtanong sa mga kasama namin.
Pero putangina talaga. Hindi man lang kami nakatagal ng kahit isang araw lang sa Germany o kaya nakita man lang iyong mukha no'ng kasama ng mga heiresses. Tapos sinira pa nila iyong phone ko!
Ang dami ko pa namang magagandang pictures doon. Hindi ko na tuloy sila maipo-post. Fuck.
"We are about to land."
"Oh tapos—este oo nga. Aayos na kami kasi la-landing na eh. Hehe."
Sinamaan lang ako ng tingin ng isa sa kanila habang tumahimik na talaga ako. Napansin ko namang parang nagpipigil ng tawa si Giovanni at Ethan habang nakangisi si Black.
Napairap na lang ako. But at least kahit papaano, nabawasan iyong kaba na nararamdaman namin.
Pero nang lumapag na iyong private jet at bumaba kami, mas dumoble pa iyong kaba ko. Maraming kotse ang naghihintay sa amin at hiwa-hiwalay nila kaming pinasakay.
Sumakay ako sa backseat ng isang kotse kasama ang dalawang Dark Guard na nakaupo sa magkabila ko. May dalawa din sa harap, isa sa driver's seat tapos sa shotgun seat.
I gulped. "Saan tayo pupunta? Sa bahay ba ni Head?"
Wala namang sumagot sa tanong ko kaya ngali-ngali kong sikuhin iyong pagmumukha ng mga katabi ko. Sabay naman nila akong tinignan at tinutukan ng baril kaya medyo nanlaki ang mga mata ko.
"W-whoa! Easy lang kayo—eto na nga! Tatahimik na."
I just cursed under my breath. Mas mataas ang ranggo namin sa mga pangit na ito pero dahil utos ni Head, wala kaming magagawa.
Pero pagkatapos nito, sisiguraduhin kong magbabayad sila. Lintik lang ang walang ganti.
Napakunot noo naman ako nang mapansin kung saan kami papunta. At ilang minuto pa, pumarada ang sasakyan sa harap ng GCU.
Bakit nandito kami?
Bumaba kami at nakita kong halos walang katao-tao sa paligid. Pinapasok nila kami sa loob at madaming Dark Guards ang nakabantay sa paligid habang wala akong nakita kahit na isang estudyante o faculty member.
Thursday pa lang ngayon. Huwag mong sabihing pina-cancel nila ang klase dahil lang sa amin?
"Walk faster."
"Ito na! Ito na! Hindi mo kailangan manulak," sabi ko at napairap. "Akala mo naman kung—"
"Shut up."
"Ito na nga! Tatahimik na."
Pasimple na lang akong umirap. Ang sungit-sungit ng mga 'to. Superiors nila kami pero ginaganito lang nila? Humanda talaga sila pagkatapos nito.
BINABASA MO ANG
4 Dark Kings
ActionHidden behind the walls. Moving within the darkness. And can only be seen through shadows. That's the life of Dark Kings. But things will go upside down and they will soon find themselves stepping out of their usual zones to finally expose themsel...