PROLOGUE

968 25 12
                                    

"Get ready."

Parehong napaangat ang ulo namin ni Stephen sa second floor nang marinig ang boses ni Ethan. Inayos niya ang salamin niya habang nakatingin sa phone niya.

"May gang fight na naman ba?"

He nodded. "They are not there yet. May oras pa tayo kaya bilisan niyo."

Nanahimik na lang kami ni Stephen at kaagad na tumakbo pataas. We took the things we need before going out of our house and GCU.

Dahil nagmamadali kami, tinalon na lang namin ang pader sa likod ng mini forest ng GCU at sumakay sa van na nakaparada doon.

Kaagad na nagsimulang mag-drive si Stephen habang nakaupo si Ethan sa tabi niya. He placed his phone on the dashboard so Stephen can see where we are going.

Kung may gang fight na nangyayari ngayon, kailangan na nandoon kami. Hindi para pigilan iyon o sumali kung hindi para protektahan ang dapat naming protektahan.

The gang fight is happening near a park in a dark alley. Hininto ni Stephen ang van malapit sa isang building 'di kalayuan sa park.

"Ang lakas ng loob nilang magsimula ng gang fight. Mga pangit naman."

Hindi na lang namin pinansin ang sinabi ni Stephen at kaagad na bumaba. We know that any minute from now, they will arrive.

"We better hurry," sabi ni Ethan.

Pumasok kaming tatlo sa loob ng building. Stephen is carrying a long rectangle case while Ethan is taking glances on his phone from time to time. Bitbit ko naman ang isang laptop bag na pinabuhat sa akin ni Ethan.

Iniwasan namin ang mga CCTV cameras sa loob at pumasok sa elevator. May CCTV din sa loob ng elevator pero nang tignan namin si Ethan, tumango lang siya, assuring us that we don't have anything to worry about.

"Buti na lang magaling ka sa mga ganyan. Kasi kung hindi tapos pangit ka pa, ano na lang role mo dito sa mundo?"

Binatukan ko si Stephen.

"Pwede bang manahimik ka? Akala mo naman gwapo."

"Gwapo naman talaga ako!" giit niya. "Palibhasa, mas gwapo ako sayo, pangit na Giovanni!"

Magsasalita pa sana ako pero inunahan na ako ni Ethan.

"We are here."

Napailing-iling na lang ako kay Stephen habang bumukas na ang pinto ng elevator. Nandito na kami ngayon sa rooftop ng building at kaagad kaming tumakbo papunta sa dulo nito para makita ang mga nangyayari sa baba.

Stephen immediately opened the case he was carrying and brought out a rifle. In-assemble niya iyon at naghanap ng magandang pwesto.

Inabot ko naman ang bag kay Ethan. He opened the laptop and sat at one corner while I looked at the gang fight happening using a small telescope.

"Wala pa ba sila?" tanong ni Stephen.

"Wala pa."

"There are two vehicles heading this way," sabi ni Ethan kaya napatingin kami sa kanya. "They are coming from opposite directions."

Stephen looked down through his rifle's sniperscope. Binalik ko din ang tingin ko sa baba gamit ang telescope habang tahimik kaming tatlo.

And just after a few seconds, I already saw a black car approaching the park. Nang tumingin ako sa kabilang bahagi ng parke, saktong pumarada doon ang isang motor at bumaba ang dalawang babae.

Isang babae din ang lumabas mula sa kotse at ilang sandali pa, may lumabas muli na isa.

"They are here," rinig kong sabi ni Ethan.

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon