Dark 25: Hoodie

119 8 0
                                    

Giovanni's POV

Ilang araw na din ang lumipas simula nang pumunta kami ng Italy. Ever since that day, tumigil muna kami sa paggawa ng kahit anong konektado sa Queens, sa heiresses o sa organization.

We focused on our studies. Para kaming mga normal lang na estudyante sa mga nakaraang araw at pansamantalang pinutol ang kahit na anong communication namin sa DO.

Nakakakuha pa naman kami ng updates mula kay Razed pero wala din kaming ginagawa. And also, hindi na din kami pumupunta sa gang fights dahil mukhang ayaw din naman ng organization na mangialam kami.

They stopped notifying Ethan at maging si Razed, hindi din updated about sa mga gang fights. Malalaman lang namin kapag tapos na o pagkatapos ng ilang araw.

But I think that's fine. Sana lang nandoon ang Queens para pigilan ang mga iyon.

"Wala pa din si Black?"

I looked at Ethan when he asked that while descending the stairs. Tumango naman kami ni Stephen habang nakaupo sa sofa.

It's already ten o'clock in the evening and we don't know where Black is. Umalis kasi siya kanina dahil may aasikasuhin. Hindi na din kami nagtanong dahil maliban sa member siya ng Dark Kings, General pa din siya ng DO.

He has responsibilites. Ang kaso lang, wala pa din siya hanggang ngayon.

"Sa tingin niyo may ginagawa iyon na hindi natin alam?" biglang tanong ni Stephen. "Kasi malay natin kung kumikilos pala siyang mag-isa. Ilang buwan pa lang naman ang nakakalipas simula nang sumali siya sa grupo."

Umiling si Ethan. "I don't think so. I think he's not the type of person who'll hide everything to himself and do things alone. He may be used doing that for the past years but now that he already have us, I don't think he'll do that."

"Malay niyo lang naman."

"At isa pa, matagal na siyang kasali sa grupo. Nagkataon lang na ngayon lang natin nalaman."

Tumango-tango na lang si Stephen sa sinabi ko. Then we all looked at Ethan when his phone suddenly rang.

Tumingin siya sa phone niya at pagkatapos ay tumingin sa amin.

"Speaking of the devil."

Sinagot ni Ethan ang tawag at nilagay sa speaker mode para marinig din namin.

"Where are you?"

"A gang fight is happening right now."

Napatayo kami sa sinabi niya at lumapit kay Ethan.

"Gang fight?" tanong ko. "Paano mo nalaman? At nasaan ka ba?"

"I'm here, watching the Queens killing the gangsters. I'll send you the address. Come quick."

After that, he ended the call.

Nagkatinginan na lang kami at walang sali-salitang lumabas ng bahay. Tumakbo kami at tinalon ang pader sa dulo ng gubat at kaagad na sumakay sa van.

Ethan received message from Black and showed it to Stephen. Sinara ko naman ang pinto ng van habang ini-start ni Stephen ang makina ng kotse.

Inabot lang kami ng ilang minuto bago makarating sa pinangyarihan ng gang fight. Malapit ito sa hilera ng mga food stalls at carinderia kaya hindi na nakapagtatakang nagpakita ang Queens.

But when we got there, mga bangkay na lang ng gangsters at mga apat o tatlong civilian ang naabutan namin.

Walang katao-tao sa paligid at medyo madilim.

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon