Stephen's POV
"Ethan!" sigaw ko pagkabukas ko ng pinto.
Naabutan ko siyang nakaupo sa kama niya at may binabasa sa tablet niya. May bandages sa katawan niya pero mukhang okay naman siya.
"Eh? Buhay ka pa?"
"Why do you sound so disappointed?"
Umiling ako. "Hoy, hindi ah! Masaya nga ako eh!"
Ngumiti pa ako sa kanya pero binalik niya lang ang tingin niya sa tablet niya at hindi na ako pinansin. Napabuntong hininga naman ako.
Nasa Germany ako kasama si Giovanni nang marinig naming madami sa tauhan namin ang namatay. Dahil doon, kinailangan nila Black, Yumi at Ethan na asikasuhin iyon. And it resulted to Ethan being severely injured.
Kaya tinapos namin kaagad lahat ng kailangan naming gawin sa Germany at bumalik dito. Pero mukhang settled naman na ang lahat at okay naman ang Tostado na ito.
How disappointing. Akala ko pa naman mapapasa'kin na ang bahay niya.
"Why are you here?"
Tumingin ako sa kanya nang bigla siyang magtanong.
"Wala. Gusto ko lang mag field trip."
Kinunotan niya lang ako ng noo at hindi na naman ako pinansin. Tignan niyo 'tong gago na 'to, napaka-attitude talaga.
Tuluyan ko siya d'yan eh.
Pero hindi ko lang alam kung bakit parang blooming siya ngayon. Mukha siyang masaya kahit hindi siya nakangiti.
Naka-drugs kaya 'tong lalaking ito? Baka naman humithit siya ng droga dahil sa sobrang sakit ng injuries niya?
"Oo nga pala."
Tumingin siya sa akin. "What?"
"Nakumbinsi ni Black na sumali sa alliance ang Elysian Tribe. Mukhang ready na din silang i-share iyong isla sa atin basta daw hahayaan natin silang tumira pa din doon."
"Really? That's good news."
"Talagang good news! Pwede mo nang bawian kung sinumang bumugbog sayo."
He glared at me.
"Ayaw mo? Gusto mo ako na lang?"
"Shut up and leave my room. Pinapasakit mo iyong ulo ko."
"Tara, tanggalin natin para walang masakit."
"Kiana, is that you?"
"Yuck! Huwag mo akong iko-compare sa baliw na 'yon. At isa—Aray!"
Kaagad akong lumingon nang may bumatok sa akin at nakita si Kapre.
"Piliin mo iyong mga salitang sasabihin mo. She's a fellow Royalty, remember?"
"Joke lang eh!"
Napairap na lang ako. Masyado niyang sineryoso iyong sinabi ko. Biro lang naman 'yon, pero sabagay. Baka patayin ako ni Black kapag narinig niya 'yong sinabi ko.
Giovanni checked on Ethan habang sumandal lang ako sa tabi ng pinto at pinakinggan silang nagkukumustahan. Maya-maya pa ay dumating din si Black at nakisali na din sa usapan.
Teka, kailan iyong huling beses na nakompleto kaming apat?
Last month pa yata.
I just sighed. Ever since we declared ourselves as new leaders of UC, madalas na kaming umaalis para mag-handle ng meetings, negotiations, at kung ano-anong transactions.
BINABASA MO ANG
4 Dark Kings
AksiyonHidden behind the walls. Moving within the darkness. And can only be seen through shadows. That's the life of Dark Kings. But things will go upside down and they will soon find themselves stepping out of their usual zones to finally expose themsel...