Dark 54: Alex

103 10 1
                                    

Stephen's POV

Tanghali na at nandito kami ngayon sa dining area at kumakain ng lunch. Kaso ang awkward ng atmosphere dahil walang nagsasalita. Kinakabahan na nga ako kaya lunok na lang ako ng lunok.

Kaninang umaga, dumating ang balita na na-kidnap ang mommy nila. We are sure na Secret Society ang nasa likod nito pero hindi namin inaasahan na pati sila Mrs. Morgiana ay pupuntiryahin nila.

Si Gwen tapos ngayon ang mga mommy naman nila. Sino pa ba ang kukunin ng mga gagong 'yon hanggang sa ma-satisfy sila?

I mentally sighed at sumulyap sa Queens. Palaging tahimik si Yumi pero mahahalatang may mali ngayon sa kanya. Gano'n din si Kaye na nakayuko lang. Medyo namumula pa ang mga mata niya dahil umiyak siya kanina.

Si Kiana naman, mukhang may sarili na namang mundo habang kumakain. Parang wala ngang nangyari kanina kung umasta siya at nakangiti pa.

Tumingin naman ako kay Alex. As usual, palaging nakakunot ang noo niya at mukhang badtrip. That's her usual expression sa tuwing kasama niya kami. Pero this time, alam kong nag-aalala din siya.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ako sanay na ganito ang Queens.

Nagulat naman kami at halos mapatalon sa kinauupuan namin nang marahas na binagsak ni Yumi ang kubyertos na hawak niya. We looked at her pero nakatungo lang siya.

"Don't look at us like that. Don't act like that. We don't need your pity."

Hindi na kami nakapagsalita nang tumayo siya at lumabas sa dining area. Nagkatinginan naman sila Alex at nagpaalam na susundan lang si Yumi. Lumabas din sila hanggang sa maiwan na lang kaming apat kasama sila Kiana, Gelo at Draven.

"Do you think they are alright?" tanong ni Draven.

"The answer is obvious, isn't it?"

Nanahimik na lang si Draven pagkatapos ng sinabi ni Ethan. Well, dapat lang. Ano ba naman kasing tanong 'yon?

Ipa-kidnap ko kaya mga magulang nito tapos itanong ko kung ayos lang siya. Tanga din nito eh.

"Kausapin mo kaya?" sabi naman ni Gelo kay Kiana.

"Ano namang sasabihin ko?"

Napangiwi ako dahil puno pa ang bibig niya nang magsalita siya.

"Ano ba namang klaseng kaibigan 'to? Tsk," bulong ni Gelo.

Hindi ko alam kung tatawa ako o sasang-ayon sa sinabi niya. Hindi na lang kami nagsalita dahil hindi din naman namin alam kung anong dapat sabihin.

After a few minutes, narinig namin ang mahinang tawa ni Kiana. We looked at her at hindi ko mapigilang mapakunot noo nang makitang nakatingin siya sa amin.

"Hoy, anong nakakatawa?"

"May tanong ako," sabi niya at ngumiti. "Naranasan niyo na bang mawalan ng magulang?"

Natigilan kami sa biglaang tanong niya. Ano bang pumasok sa abnormal niyang utak at bigla niya 'yong tinanong?

"Oh. Let me rephrase that. May mga magulang pa ba kayo?"

"Why are you asking?"

Nagkibit balikat lang siya sa tanong ni Black at biglang tumayo. Binuksan niya ang ref at kumuha ng pitsel ng malamig na tubig.

"I'm just curious. May mga magulang pa kayo pero hindi kayo malapit sa kanila, hindi ba?" sabi niya at nagsalin ng tubig sa mga baso namin. "But being not close to your parents is nothing compared to losing them forever."

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon