Dark 1: Revised Mission

444 21 6
                                    

Giovanni's POV

Today is Monday and that means, may pasok. Maaga kaming nagising na tatlo at naghanda kahit na nasa loob naman ng GCU ang bahay namin.

GCU or Gold Castellan University is a prestigious school and our families have shares in this school. SSG President din si Ethan kaya sabihin na lang nating may kontrol kami dito.

GCU has a mini forest inside its premises and inside the forest, may pinatayo na bahay ang mga magulang namin. Madalas na dito kami umuuwi pagkatapos ng klase pero minsan, umuuwi din naman kami sa kanya-kanya naming bahay.

Hindi naman alam ng mga estudyante ng GCU na may bahay kami dito dahil maingat kami sa tuwing pumupunta dito.

"Move faster, Stephen."

"Ito na!"

Nagkibit balikat na lang ako at nauna nang lumabas. Mabilis din naman na sumunod iyong dalawa at naglakad na kami palabas ng mini forest.

It's still early but there are already many students inside the school. Sinamahan namin si Ethan sa morning rounds niya bilang SSG President dahil wala din naman kaming gagawin.

When it's almost time, we went to our classroom just before our adviser can enter the room. Nagsimula ang klase at kahit medyo boring, wala kaming magagawa kung hindi magtiis.

We are the heirs of big companies and also UC members. Pero gaya ng iba, kailangan pa din naming mag-aral kahit na halos nakaplano na ang magiging buhay namin pagkatapos naming mag-graduate.

The day we were born, our future was already set. But sometimes, I can help but to think if there's a chance that it could change.

---

Kaagad na sumalampak si Stephen sa sofa pagkauwi namin dito sa bahay pagkatapos ng buong araw na klase. Umupo lang naman ako habang kumuha ng maiinom si Ethan.

When he came back, inabutan niya kami pareho ni Stephen ng tubig. I silently thanked him and took the glass of water.

"Hindi ba kayo nagsasawa?"

Pareho naman kaming napatingin kay Stephen dahil sa tanong niya.

"What do you mean?"

"Ito. Hindi ba kayo nagsasawa sa ganito?"

I frowned. "Anong ganito?"

Halos mapairap siya sa tanong ko. Nagkatinginan naman kami ni Ethan dahil mukhang pareho namin siyang hindi maintindihan.

"I mean, ito!"

"Ang alin nga?"

"Itong kagwapuhan ko!"

Halos maibato ko sa kanya iyong baso habang tumawa lang naman siya. Then he took a deep breath.

"Ito na, magseseryoso na."

"Huwag mong sabihing magseseryoso ka," sabi ni Ethan. "Ang hirap kasing maniwala."

Napatango-tango naman ako habang inirapan lang kami ni Stephen. Pero mukhang may gusto talaga siyang itanong dahil nagseryoso nga siya.

"Pero seryoso nga! Hindi ba kayo nagsasawa sa ganito? I mean, iyong papasok tayo sa GCU tapos tambay lang dito sa bahay pagkatapos. Tsaka lang tayo lalabas kung gagala tayo o kung may laban ang Queens."

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon