Stephen's POV
"Ethannn!"
"What?"
"Bawiin mo 'yung sumpa!"
Napapikit siya nang mariin dahil sa sinabi ko at hindi ako pinansin. Lunch time na ngayon at papunta na kaming bahay. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa din makalimutan iyong nangyari kaninang umaga.
Isumpa ba naman kami ng gago na 'to. Tsk.
"Ethan!"
Hindi niya pa din ako pinansin.
"Ethan—"
"Manahimik ka nga!"
Kaagad akong natahimik habang natawa si Giovanni. Napangisi lang naman si Black at tuluyan na kaming pumasok sa bahay.
Dumiretso si Giovanni sa kusina para magluto habang si Black, pumunta sa taas. Pupunta siguro iyon sa kanyang kingdom of darkness.
Umupo naman si Ethan sa sofa kaya kaagad akong tumabi sa kanya. Umusog siya palayo pero lumapit pa din ako.
Sinamaan niya ako ng tingin. "What the hell is your problem?"
"Bawiin mo na kasi."
"Ang alin?"
"Iyong sumpa!"
"Anong sumpa?"
"Iyong kanina!"
Natahimik naman siya at mukhang napaisip. Huwang mong sabihing nakalimutan na niya? Kaninang umaga lang 'yon eh.
Bigla siyang napakunot noo at dumausdos pababa ang tingin. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya at nang mapagtanto kung ano ang tinitignan niya, mabilis kong sinapok ang ulo niya.
"What the hell?!"
"Kung ano-ano kasi tinitignan mo eh!"
He took a deep breath at hindi na naman ako pinansin. Nilabas niya iyong phone niya pero hinablot ko na iyon kaagad kaya naiinis siyang tumingin sa akin.
"What the hell is your problem?"
"Bawiin mo na kasi!" sabi ko. "Kung hindi mo babawiin, baka talagang magkatotoo iyong sumpa."
"Seriously, Stephen? Do you really think that will happen?"
Umiling ako. "Hindi. Pero mas mabuting nang sigurado. Baka sa future hindi ko na magawang ipasok 'yung ano..."
"Maipasok 'yung alin?"
"'Yung ano!"
"What?"
"'Yung ano nga! 'Yung ano ko!"
"Anong ano mo?"
"Ugh! Alam mo na 'yon!"
Kinunotan niya lang ako ng noo bago mabilis na kinuha iyong phone niya sa kamay ko. Akmang babawiin ko iyon nang sumulpot si Black sa gilid namin.
Muntik pa akong mahulog sa sofa sa sobrang gulat habang napahawak lang si Ethan sa dibdib niya.
"Putangina naman, Black!"
He just shrugged at umupo din sa sofa. Pero may kinuha siya sa bulsa niya at inabot sa akin.
Napakunot noo ako. "Ano 'to?"
"Titan gel."
Pareho kaming napanganga ni Ethan.
"T-titan gel?" tanong ko. "Adik ka ba? Bakit mo ako binibigyan ng ganito?"
BINABASA MO ANG
4 Dark Kings
ActionHidden behind the walls. Moving within the darkness. And can only be seen through shadows. That's the life of Dark Kings. But things will go upside down and they will soon find themselves stepping out of their usual zones to finally expose themsel...