Giovanni's POV
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa baba. Sinubukan kong umupo sa kama pero kaagad akong napahawak sa ulo ko dahil biglang sumakit.
Teka, ano bang nangyari?
I forced to sit on the bed while trying to recall what happened. Tinignan ko iyong phone ko at nakitang Thursday pa din naman at nine o'clock na ng gabi.
Ang huling naaalala ko, pauwi kami ng bahay dahil lunch time. Hindi ko maalalang pumunta ako dito sa kwarto ko at natulog.
"Anong nangyari?"
I was staring at nowhere while trying to remember how I ended up on my bed and why my head hurts so bad. Inabot din siguro ako ng ilang minuto bago maalala kung anong nangyari.
"Stephen..."
Kaagad akong tumayo at tiniis ang sakit ng ulo nang maalala kung anong nangyari. Pinokpok lang naman ako ni Stephen ng vase sa ulo!
Hayop talaga ang lalaking 'yon. Unan lang iyong inihampas ko sa kanya at ang lambot-lambot no'n. Tapos sa akin vase?
Lumabas ako ng kwarto ko at bababa na sana ng hagdan nang may maisip. Napangisi na lang ako at umayos. Pakakabahin ko na lang si Stephen bilang ganti sa ginawa niya.
Bumaba ako ng hagdan at naabutan iyong tatlo sa sala. Nakaluhod si Stephen sa sahig habang nakataas ang mga kamay. It looks like that's the punishment Ethan gave him for what he did to me.
Nakaupo naman sa harap ni Stephen si Black habang kumakain. Mukhang iniinggit niya pa ito habang may ginagawa naman si Ethan sa phone niya.
"Anong..."
They all looked at me. Napatayo pa si Ethan sa kinauupuan niya.
I looked around and turned to them.
"Nasaan ako? Sino kayo?"
Napatigil sa pagkain si Black habang nanlaki naman ang mga mata ni Stephen. Kinunotan naman ako ng noo ni Ethan at pinigilan kong matawa dahil sa mga reaksyon nila.
Stephen stood up from the floor while Ethan walked towards me.
"That's not a good joke, Giovanni."
I frowned. "Giovanni? 'Yan ba ang pangalan ko?"
Binatukan naman ako ni Stephen. "Huwag mo nga kaming lokohin!"
Pinigilan kong sapakin siya at dumaing na lang kaya mabilis din siyang hinampas ni Ethan. Muntik pa akong mapangisi dahil doon.
"M-masakit 'yong ulo ko," I said. "Ano bang nangyari? At sino ba talaga kayo?"
"Your head wasn't severely hurt so it's impo—"
Napatigil si Ethan nang pasimple ko siyang pinanlakihan ng mata. It looks like he finally understood what I'm trying to do because he slowly nodded.
"But losing your memories because of that hit is possible," sabi niya at tumingin kay Stephen. "Look what you've done? Kasalanan mo 'to."
Tumingin sa akin si Stephen at parang 'di pa makapaniwala.
"T-totoo ba? Wala ka talagang maalala?"
"Magtatanong ba siya kung meron?" sumbat ni Ethan.
Nagulat na lang kami nang biglang lumuhod si Stephen.
"Sorry na! Hindi ko sinasadya!"
Muntik na akong mapangisi. Ayan, ganyan nga. Lumuhod ka dahil may kasalanan ka sa'king lalaki ka.
BINABASA MO ANG
4 Dark Kings
AkčníHidden behind the walls. Moving within the darkness. And can only be seen through shadows. That's the life of Dark Kings. But things will go upside down and they will soon find themselves stepping out of their usual zones to finally expose themsel...