Dark 15: Powerless

117 7 0
                                    

Ethan's POV

I hate the fact that all we can do is to take orders from Mr. Zedler and obey it whether we like it or not. We are like dogs to the organization.

And even if we have higher ranks than the others and were personally chosen by the former Heart, by Miss Igraine, it feels like we are in the lowest rank. Wala kaming magawa kung hindi magsunod-sunuran na lang kahit na may karapatan din kaming kumilos nang naaayon sa gusto namin.

It's the first time I felt so powerless.

Halos mapahawak naman ako sa dibdib ko nang may biglang umakbay sa akin. I looked at Giovanni and he showed me an assuring smile.

"Itigil mo na ang kakaisip sa nangyari kahapon. Nangyari na at wala na tayong magagawa."

I nodded. "I know."

Nag-iwas ako ng tingin at inalis din naman niya ang braso niya sa balikat ko. Pagtingin namin sa hagdan, pababa na doon si Black.

"Hoy, Stephen! Bilisan mo!" sigaw ni Giovanni. "Ikaw na lang hinihintay!"

"Gago! Maghintay kayo!"

Giovanni winced. "Ang galing naman ng lalaking iyon at minura pa ako."

Napailing-iling na lang ako. Napansin ko naman si Black na may kinukuha sa bulsa niya habang naglalakad papunta kay Giovanni.

"Don't you dare give Giovanni a knife and tell him to kill Stephen for real this time."

Pareho silang napatingin sa akin at napakurap-kurap. Black shrugged and brought out his phone from his pocket.

"It's my phone. Not a knife."

I sighed. "I see."

Nag-iwas lang ako ng tingin habang rinig kong nagpipigil ng tawa si Giovanni. I must admit that was kind of embarrassing.

But can you blame me? He tend to do that whenever Giovanni and Stephen are fighting over small matters. Siguro inaasahan ko na may iaabot na naman siya kahit hindi naman palaging nangyayari iyon.

"What?"

Napatingin kami kay Black at mukhang may kausap siya sa phone. He is now frowning and has an unreadable expression on his face.

What's happening? At si Razed ba ang kausap niya?

"Is there a problem?" I asked.

He put his phone back to his pocket before looking at us. Napataas ang dalawang kilay ko nang mapansin ang matatalim niyang mata.

"Head forbid Razed to contact us and we can't use any of our vehicles," he said. "That means, we need to commute to get to the mall."

Sandali akong natahimik para iproseso ang sinabi niya. It's already expected that Head will do that since we are temporarily out of the mission. Pero mukhang ang kinaiinisan ni Black ay hindi iyon kung hindi dahil kailangan namin mag-commute papuntang mall.

"And so?"

"I hate commuting. I'm not coming."

Giovanni shook his head. "Hindi pwede iyon. Ikaw pa nga nagsabi na pupunta tayo ngayon sa mall, 'di ba?"

"I changed my mind."

"There's no backing out," I said. "We are all going."

Wala nang nagawa si Black kung hindi ang manahimik. Muntik pa akong mapangisi dahil madali lang naman pala siyang kausap.

Napatingin naman kami kay Stephen na ngayon ay pababa na ng hagdan.

"Bakit ba ang tagal mo? Pati ba buhok ng kili-kili mo nilagyan mo ng gel?"

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon