Dark 22: Bitch

139 10 2
                                    

Stephen's POV

Hindi ko alam kung ilang beses na akong napahikab habang ginaganap ang flag ceremony dito sa West Gym ng GCU. Pasukan na naman. Tsk.

Dalawang buwan ang lumipas pero para lang akong natulog ng dalawang araw. Ang bilis-bilis at hindi ko man lang na-enjoy ang summer vacation.

Pero kahit naman mas mahaba pa ang bakasyon, alam ko din namang hindi namin iyon mae-enjoy dahil sa dami ng pinapagawa sa amin as 'heirs' at Kings. Nae-enjoy ko din naman ang pagiging King so siguro ayos lang 'yon.

Muli akong napahikab habang nagsasalita ang principal ng school sa harap. May ilang estudyante ang napatingin sa akin kaya siniko ako ni Giovanni.

"Umayos ka nga. Kapag ikaw napansin ni Principal, lagot ka talaga," bulong niya na kinairap ko lang.

"Hindi 'yan. Takot niya lang sa pamilya natin."

He glared at me kaya muli akong napairap. Kahit kailan talaga at lagi akong pinapagalitan nito. Hindi ko naman siya inaano eh.

At isa pa, tama naman ako eh. Hindi nga kami kayang pagalitan ng mga teachers dito dahil alam nila kung anong pamilya meron kami.

Lalo na ngayon dahil nang naging Kings kami, sumikat din ang pangalan namin sa business world bilang mga tagapagmana. Ilang estudyante na nga ang narinig kong tumatawag sa amin ng Kings.

Pagkatapos ng boring na flag ceremony, pinapunta na lahat ng mga estudyante sa mga classrooms nila maliban sa mga transferees. Naiwan sila dito sa gym at pumunta na si Ethan sa stage.

Siya kasi ang magsasabi ng mga rules ng school, such as the dos and don'ts. Parang tradition na din iyon ng school tuwing first day of classes para siguraduhing hindi magiging sakit sa ulo ng school ang mga bagong estudyante.

Kumaway lang kami kay Ethan at tinanguan niya lang kami bago kami lumabas. Well, hindi naman kami officer kaya kailangan na naming pumunta sa classroom namin.

"Kawawang Ethan. Dami na namang trabaho."

"Nandoon naman si Shaina para tulungan siya," sabi ni Giovanni. "At isa pa, wala din naman siyang magagawa. Responsibility niya iyon eh."

Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi niya. Tumingin ako kay Black na as usual, tahimik na naman.

"Ano, Black? Magaala-pipi ka na naman ba?"

Hindi naman niya ako pinansin kaya napakunot ako. Tignan niyo 'tong lalaking 'to. Sobrang attitude!

"Hoy—Aray!"

Binatukan ako ni Giovanni kaya mabilis ko siyang sinamaan ng tingin.

"Unang araw ng klase inaaway mo si Black. Mahiya ka nga. Grade 12 ka na, hoy."

"Eh ano ngayon? Inaaway mo nga din ako ngayon eh!"

"Hindi kaya. Pinagsasabihan lang kita."

"Hindi! Inaaway mo ako!"

"Hindi nga!"

"Oo nga!"

"Nag-aaway ba kayo?"

"Hindi nga! Ang kulit—S-sir Paul..."

Kaagad na natigilan si Giovanni nang ma-realize na nasigawan niya ang principal ng school na bigla na lang sumulpot out of nowhere.

Pinigilan kong matawa dahil sa itsura ni Giovanni. Para siyang kapreng hiyang-hiya habang itong si Black...wala. Para lang siyang batong nagkatawang tao. Hayst.

"Hindi po kami nag-aaway, Sir," alanganing sabi ni Giovanni. "May pinag-uusapan lang po kami."

He nodded. "Papunta na ba kayo sa classroom niyo?"

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon