Dark 17: Mission

118 9 0
                                    

Giovanni's POV

"Mr. President!"

Napatingin kami sa babaeng tumawag kay Ethan pagkalabas namin ng classroom. At kung tama ako, siya iyong VP ng SSG at Shaina ang pangalan niya.

"What is it, Shaina?"

She took a deep breath. "Ibabalik ko po kasi iyong file sa Faculty Office ngayon."

"Oh. It's in my office. You can get it."

"Thank you."

Akmang tatalikod na siya nang tinawag ko siya pabalik. Halatang nagulat siya pero ngumiti lang ako.

"May itatanong sana ako sayo."

Napalunok siya. "A-ano 'yon?"

"Alam mo ba kung anong section ng bagong estudyante?"

Natahimik siya sa tanong ko at mukhang napaisip. The others seems to also be curious about it.

"I heard he's in 11-C. Hindi po ako sigurado pero ang alam ko, nasa file iyon."

I frowned. "Tinignan mo ba iyong file bago mo binigay kay Ethan?"

"No."

"Why?"

"They told me not to open the folder. Private file daw iyon at si Mr. President lang ang pwedeng tumingin."

Tumango ako at ngumiti. "Gano'n ba? Sige, thank you."

She just nodded and immediately left. Tumingin naman ako doon sa tatlo at mukhang alam na nila kung bakit ko tinanong iyon.

"She never opened the folder. No wonder she doesn't know the transferee is a she and keeps addressing her as a he," sabi ni Ethan.

Napatango-tango ako. Noong una nagtataka ako kung bakit 'him' ang sinabi niya kanina sa office ni Ethan. She had the chance to know who the transferee is but since she was told not to peek on it, hindi niya magawa.

Pero hindi iyon tungkol doon. Hindi mahalaga kung alam niya kung sino ang transferee o hindi.

The thing is, she was told not to open the folder. At isa lang ang ibigsabihin no'n.

"The school doesn't want the students to know who she really is," sabi ni Black at tumango kami. "But I think Ethan is an exemption."

"Sinasabi niyo bang pinadala siya dito para mag-spy sa atin?" tanong ni Stephen. "Pero parang ang imposible naman no'n. Hinayaan nilang malaman natin kung sino siya."

Umiling ako. "Mukhang hindi sa'tin. She's here to spy on someone pero hindi tayo 'yon."

"And they made us know so we can look after her since she's not a DO member but she's a daughter of a General."

"Siguradong hindi niya maipagtatanggol ang sarili niya kung sakaling may mangyari sa kanya," sabi ni Stephen. "Pero kung hindi tayo, edi sinong mamanmanan niya?"

Natahimik kaming apat habang nakatayo pa din sa tapat ng classroom namin. Wala ng tao sa paligid dahil kanina pa natapos ang mga klase.

Kung tama ang sinabi ni Black kanina na may mangyayari, does that mean the person she's about to spy on is not here yet? Sino naman kaya 'yon?"

---

It's already Tuesday afternoon and we decided not to attend classes today. Dahil kasi sa biglaang pagdating ng anak ni Mr. Marcelo dito sa GCU, para na din niya kaming binigyan ng trabaho.

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon