Stephen's POV
Lagpas isang linggo na ang nakalipas simula noong dumating si Ehra dito sa GCU. Simula noon, hindi na kami lumiban sa klase para obserbahan siya.
She's a bitch. Maarte, magaspang ang ugali, matalim ang bawat salita at kung umasta, akala mo reyna. In just a week, naging sikat na siya kaagad sa GCU at parang naging Queen Bee pa.
She's a bitch but only in front of other people. Dahil pagdating sa amin, madalas siyang nag-iiwas ng tingin. Iniiwasan niya kami at mukhang hanggang ngayon ay hindi pa din nakakalimutan iyong nangyari sa office ni Ethan.
Pero meron din naman iyong time na nagkakalakas siya ng loob na kausapin kami. Lalo na kapag nangbu-bully siya at sinusuway siya ni Ethan dahil nga SSG President siya.
Sinasagot-sagot niya pa nga kami at kahit gusto kong sungalngalin iyong bibig niya, hindi naman pwede. Syempre hindi naman ako low class na pumapatol sa mga babae. Nakakabawas pogi points iyon.
Pasalamat na lang siya. Tsk.
But what I can't really forget ay iyong araw na bigla na lang may mga dumating na tao dito sa GCU. Malapit nang maggabi noon pero nandito pa din halos lahat ng Grade 11 dahil may tinatapos kaming project.
Hindi namin inaasahan na may biglang susugod dito at pagtatangkahang patayin si Ehra. Luckily, napansin iyon ni Giovanni at kaagad siyang inilayo.
Tumakbo din naman ang mga taong iyon at mabilis silang nakahalo sa dilim kaya sila nakatakas. Para silang mga ninja kung gumalaw but sadly for them, wala pa din silang binatbat sa amin.
I was trained like a ninja since our clan has the best ninjas in the world. Kaya no'ng kumilos na din ako, no wonder bigla silang tumakbo.
Haynako.
Buti na lang din walang nakapansin at kaagad na kumalma si Ehra kaya nakabalik siya kaagad sa classroom nila. Muntik pa nga akong matawa sa itsura niya pero nang maalala ko ang sitwasyon niya, napapakuyom kamao na lang ako.
Wala siyang kalaban-laban at expected na marami nang magtatangka sa buhay niya dahil wala na siya sa Batangas which is teritoryo ni Mr. Marcelo. Pero siya pa din ang pinadala ni Mr. Zedler kahit na alam niya iyon at walang ginawa si Mr. Marcelo para sa anak niya.
They are cruel. Ginagamit nila siya gaya ng kung paano nila kami gamitin ngayon.
Kaya wala din kaming magagawa kung hindi ang siguraduhing ligtas siya habang nandito siya. Kahit hindi namin siya gusto at hindi namin alam kung sino ba talagang pinunta niya dito, kailangan namin siyang protektahan.
She needs to stay alive.
Halos mapabalikwas naman ako sa kama nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Niluwa nito ang napakapangit na si Giovanni.
"Hoy! Kailan mo ba balak bumangon, ha?"
"Umagang-umaga pangit na nilalang makikita ko! Ugh!"
He frowned. "Bakit? Tumingin ka na ba sa salamin?"
Humablot ako ng unan at akmang ibabato sa kanya pero mabilis na siyang nakalabas. Narinig ko lang ang tawa niya sa labas.
"Bilisan mo na d'yan! Ang lapit-lapit natin pero lagi tayong nale-late dahil sayo!"
"Oo na! Manahimik ka nang gago ka!"
Tumawa lang siya habang ginulo ko ang buhok ko sa inis. Umagang-umaga nambubulabog na ang kapre na iyon. Tsk.
Napilitan na akong bumangon at ginawa ang morning routine ko. Hindi muna ako nagpalit ng uniform dahil kakain pa kami ng breakfast.
Bumaba na ako at pumasok sa kusina. Mukhang ako na lang ang hinihintay kaya mabilis akong umupo.
BINABASA MO ANG
4 Dark Kings
ActionHidden behind the walls. Moving within the darkness. And can only be seen through shadows. That's the life of Dark Kings. But things will go upside down and they will soon find themselves stepping out of their usual zones to finally expose themsel...