Dark 53: Cup Of Coffee

109 8 10
                                    

Giovanni's POV

Nandito pa din kami sa bagong bahay ng Queens pero mukhang hindi naman na sila aware. Simula nang dumating sila Gelo at Draven, nasa kanila na lang ang atensyon ng Queens. Maliban na lang siguro kay Yumi na tahimik lang na nagbabasa.

I looked at the clock and saw that it's already two in the afternoon. Tumingin ako ulit sa Queens pero ni hindi man lang nila kami sinusulyapan. Not even Kaye.

Tsk.

Tumayo ako pero nagulat ako nang sabay-sabay kaming tumayo nila Stephen at Ethan. Nagkatinginan pa kami.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Kiana.

"Iinom lang ako ng tubig," sagot ni Stephen at umirap pa.

"Same."

Hindi na ako nagsalita at sumunod na lang doon sa dalawa papuntang kusina. Naiilang din kaya sila sa sala katulad ko? O nagkataon lang na pare-pareho naming naisip na umalis doon?

Pumasok kami sa dining area at nagtataka kong tinignan si Stephen nang sumandal lang siya sa pader at humalukipkip. Umupo naman si Ethan at nangalumbaba lang sa lamesa.

"Akala ko ba iinom kayo?"

"Tanga ka ba? Malamang sinabi lang namin 'yon para umalis doon."

I just glared at Stephen. Ang lakas ng loob sabihan ako ng tanga. Haynako.

"I don't understand why."

"Why what?"

Napatingin kami kay Black na bigla na lang sumulpot sa likuran ko. I stopped myself from glaring at him. Hindi pa din talaga nagbabago ang habit ng lalaking 'to.

"Why they are here," tuloy ni Ethan sa sinasabi niya. "They let them in just like that, while they are always on guard around us. That's unfair."

"Ilang taon na silang magkakakilala, Ethan. Hindi nakapagtatakang iba ang pakikitungo nila sa kanila."

"Kahit na!" sabat ni Stephen. "Kung si Gelo, ayos lang. Pero 'yong Draven na 'yon? Hindi pwede. Ang dami-dami na nating naitulong sa kanila pero siya wala pa tapos mas maganda pa treatment na natatanggap niya? Aba, ibang klase!"

I shrugged. "Sabagay."

"Tsk. Dapat do'n pinapalayas eh."

"Why do you all sound like jealous husbands?"

Sabay-sabay naman kaming napatingin kay Black na ngayon ay nakaupo na sa dulo ng mesa. Kailan pa siya pumunta doon? Pero teka, jealous? Kami?

"H-hoy! Sinong nagseselos, ha? Imposible!"

Tumawa pa si Stephen pero halatang pilit naman. Napangiwi na lang ako at napatingin kay Ethan na umiling.

"I'm not jealous. I'm just worried," he said and looked at us. "We don't know anything about that guy. Hindi tayo sigurado kung mapagkakatiwalaan siya."

Natahimik kami pagkatapos iyon sabihin ni Ethan. Sa totoo lang, isa din iyon sa mga inaalala ko. Ito ang unang beses na nakilala namin si Draven kahit na nakita ko na siya noon.

He may be serving the Montefalcos for years but betrayal is still possible. Isa iyon sa mga pinatunayan ni Gwen na hindi na namin pwede pang hayaang mangyari ulit.

But I think it's safe.

"Then let's don't trust him. Si Chairman na lang ang pagkatiwalaan natin," sabi ko. "He will not do anything to harm the Queens. Siya ang nagdesisyon na tumira dito si Draven, kaya siguradong mabuti ang intensyon niya."

4 Dark KingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon