Enjoy reading, Sweeties
Bernadette
Hindi agad nagiging buo ang isang bagay na matagal nang nanatiling wasak dahil sinubok ng pagkakataon.
Alam kong nalamatan na ang relasyon namin ni Xandro gustuhin man namin 'yon o hindi.
May mga alaala na kahit anong pilit mong takpan, kusa pa ring sumisilip 'yon. Tadhana na nga yata ang dahilan kung bakit muli kaming pinagtagpong dalawa sa kabila ng mabigat naming nakaraan dahil siguro may mga batang naghihintay sa pagmamahal namin. Unti-unti... baka pwede pa talaga naming maayos.
Si Dudung sa kan'ya at si Archer sa akin.
Nagkasakitan na kami at tila ito ang karma namin na sana ay hindi na nadamay pa ang mga anak namin na naipit sa gitna nang hidwaan sa pagitan namin nila Angel.
Ngayon... sinubukan naming makabawi sa mga bata. 'Yon ang first priority namin ni Xandro.
Sila muna bago ang sa amin.
That's how our days were again... like a house lived in after an earthquake. Still standing, yes. But with every step, there's fear. With every sound, there's doubt.
Nangangapa pa kami kasi natatakot kaming guguho ang ano mang sisimulan naming itayong muli pero napaisip lang ako. Hindi na kami mga bata ni Xandro, may mga bata na nga kaming nabuo kaya hindi na uubra ang immaturity sa relasyon namin ngayon.
Kawawa ang kambal namin.
Galit na galit pa rin si Papa pero pinapakalma naman siya ni Brent. Nakiusap din akong huwag maging masama ang ugali kay Xandro dahil nga bumabawi ito kay Dudung.
Masamang-masama ang loob niya nang sabihin naming kambal si Archer at Dudung.
I know he's happy, but he's burning with anger because Archer was taken from us, the chance to care for him. I try to make him understand that it's the same for Xandro. He also lost the chance to take care of our Dudung.
Sa gitna ng kaguluhan din naming pamilya ay... naroon si Xandro. Hindi niya kami sinukuan kahit hindi pabor si Papa na buuin muli namin ang pamilya namin na napagkaitang mabuo noon.
And I'm surprised because he fully accepted Papa's anger, so fierce that even if you tried to bribe him with a prized fighting rooster, Xandro wouldn't be able to calm him down easily.
Hindi siya narito bilang perpektong ama ng kambal namin.
Hindi rin bilang lalaking nakapanakit sa 'kin.
Bumalik siya bilang lalaking may baon na pagsisisi, pagnanais, at isang desperadong pangakong ayusin ang mga bagay na siya rin ang sumira noon. Inaangkin ang pagkakamaling hindi lang din naman siya ang may kasalanan.
May mali ako.
May mali siya.
At mas lalong maling-mali si Angel.
Lahat kami mali ngunit ang nararamdaman ko ngayon ay inaako ni Xandro ang lahat.
He's not perfect but he tries. Every single day.
Si Dudung naman... tahimik lang. nakakapanibago pero hinahayaan namin na tanggapin niya ang mga nangyayari.
Minsan nahuhuli ko siyang nakatitig kay Xandro at Archer na 'di hamak na mas malapit sa isa't isa gano'n din naman si Archer sa 'min ni Dudung.
Alam kong hindi niya pa kayang pagkatiwalaan ang presensiya ko dahil halos buong buhay niya ay wala ako sa tabi niya.
The damage... ang lala ng ginawa ni Angel sa mga anak namin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Surrogate
Romansa"I guess my role ends here... Thank you for using me."
