Chapter 57

2.1K 26 11
                                        

Enjoy reading, Sweeties

Bernadette

Nang sa ulo na ni Archer itinutok ni Angel ang baril ay tila huminto ang mundo naming lahat.

"Angelica!" Xandro shouted.

"Angel, huwag!" sigaw ko habang nanginginig ang buong katawan.

"Mommy..." hagulgol ni Archer. "Please... stop na po."

Ngunit sa isang iglap ay bigla na lang kumilos si Xandro.

"Archer!" Mabilis niyang hinila palayo ang anak namin dahilan para mapaatras si Archer habang kasabay no'n ang malakas na putok ng baril.

"Alexandro!" sigaw ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong napaatras si Xandro. Dumugo agad ang tagiliran niya.

Halos manlamig naman ang buong katawan ko.

"Daddy!" sabay na sigaw ng mga anak namin.

Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko pero nilabanan ko ang panginginig dahil sa kabang lumukob sa akin.

Tangina, nagsisimula pa lamang kaming makabawi sa mga bata.

"Daddy!" sigaw muli ni Archer.

Halos mawalan ako ng ulirat nang makita kong napaluhod si Xandro sa buhangin habang hawak ang sugat niya pero yakap niya ang anak namin, hindi niya ito binitiwan.

"Go to your real mother, Archer... go!" he said.

Doon ako natauhan.

Agad akong sumugod kay Angel.

"Ikaw! Walang kapantay ang pagkademonyitahan mo!" sigaw ko.

"Bernadette! No!" pigil ni Xandro.

"Bernadette, huwag!" sigaw ni Papa pero huli na.

Tinulak ko si Angel gamit ang buong lakas ko dahilan para mawalan siya ng balanse. Halos parehas kaming natumba. Pinatungan ko agad siya dahil sa inis.

Tumilapon ang baril sa buhangin.

"Hayop ka!" umiiyak kong sigaw habang pinagsusuntok ko siya. "Mga anak ko! Mga anak ko ang dinamay mo! Wala kang karapatan manakit! May konsensiya ka pa ba?! Lahat sasaktan mo para ano?! Para pagbayaran namin ang pananakit sa 'yo?! Binaril mo pa si Xandro! Paano kapag namatay 'yan?! Papalitan mo?! Huh? May ipapalit ka d'yan?!"

Halos wala na akong makita dahil sa panlalabo ng paningin dahil sa luha.

I hate her!

"Ouch! Bitawan moa ko!" sigaw rin niya habang pilit akong tinutulak.

"Huwag kang pumalag! Bwisit ka! Paano kapag namatay 'yan?! Wala na akong mahahanap na kasing gwapo, kasing yaman, kasing laki ng tite niyan!" sigaw ko. Hindi ko na alam ang mga lumalabas sa bibig ko.

Sa kabila ng kaba ay pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"Bernadette! Bitawan mo ako!" sigaw niya at halos masakal na ako.

Napansin kong inaabot niya ang baril pero kinuha na 'yon ni Brent.

"Papa, tulungan mo kami... parating na ang mga pulis! Jiji, ambulansiya!" sigaw nito.

Tila nabigyan ng pagkakataon kanina na magtawag ng tulong habang nasa kalagitnaan kami ng sitwasyon kung saan hawak pa ni Angel si Archer.

Humalo ang iyakan, sigawan at hampas ng alon... hindi ko na alam kung ano ang naririnig ko.

"Bernadette!" sigaw ni Xandro.

Lahat ng sakit na tiniis ko biglang sumabog dahil sa ginawa ni Angel. Kailan ba mawawala ang anino niya sa amin? Parusa ba 'to ng Panginoon sa akin dahil makasalanan ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: May 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Billionaire's SurrogateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon