*****
"May problema ako." Biglang sabi ko sa kanya habang busy ako sa pagkain ng paborito kong KitKat. Hindi kasi ako matatahimik kung di ko pa to sasabihin.
It's now or never sabi nga nila.
"Oh ano naman yun?" Nagkasalubong ang mga mata namin. Pakiramdam ko umatras ang dila ko at natuyuan ako ng lalamunan.
Parang bigla akong kinabahan, "Um.. Wala wala."
"Grabe ka naman. Parang di 'to bestfriend oh. Ano nga?" Pamimilit niya. Pinilit kong tumawa ng totoo. Alam din kasi nito ugali ko eh.
"Basta malalaman mo din balang araw." Sabi ko na lang.
"Mukhang importante yan ah." Hula niya.
Tumawa ako, "Hindi no. Walang kwenta nga eh." Totoo naman kasi.
Napaisip naman siya, "Ano kaya yun. Nakucurious tuloy ako. Nakakabakla." Tumawa siya.
Nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy siya sa pagtawa.
Umiwas ako ng tingin at bumulong ng napakahina, "Nahuhulog na ata ko, at mukhang sa maling tao pa."
*****
Written by: cat-wo-man
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...