*****
Judith's POV
Wednesday
Gusto ko ulit siyang tignan. Pero inaasar niya lang ako dahil nahuhuli niya ko. :3
Ano bang klaseng mata meron to?
"Oh? Bakit nakakunot-noo ka na dyan? Ang cute mo tuloy lalo."
O///O
Kainis! Nakaramdam tuloy ako ng init sa pisngi ko. Narinig ko pa siyang tumawa. Gahad! Am I so obvious?
Feeling ko tuloy lumayo yung school. Gusto ko nang makarating dun ng makaalis na ko sa awkward atmosphere na to.
Kahapon nag-exam pala kami kay Sir Suico. Jusko wala siyang patawad. May papaluto na nga siya samin, pinag-exam niya pa kami. Pagkauwi ko galing sa school kahapon, nagpractice na din ako sa bahay.
Naalala ko tuloy si Fritz. Tinext niya kasi ako kagabi, pinapaalala niya yung request niyang luto ko. Akalain mo yun? Sineryoso talaga? :3
Alam niya din pala na sa Friday na kami magluluto. Kaya sabi niya pagkatapos ng class ko susunduin niya ko sa KSNU. Pumayag na lang ako tutal mabait naman siyang tao. Haha.
Friends na pala kami ni Fritz. Kung tutuusin nauna pa yung pagdalaw ko sa mundo niya kesa yung pagiging officially friends namin. -_-
"We're here." Kaagad siyang lumabas. Hindi ko agad napansin na pinatay niya na yung engine ng sasakyan niya. He's on the other side of his car, pulling me out while I'm carrying my bag.
Pagkalabas ko ng kotse niya, kinuha niya yung bag ko. Naalala ko tuloy yung mga litanya ng dating prof namin ni Lara last sem.
"I don't prefer that 'buhat-buhat sa bag ng mga babae'. Hindi naman sila hampas-lupa para pagbuhatin ng bag. Kaloka!"
Napailing na lang ako nang maisip ko yun. Dami kasing alam ng prof ko. Para samin kasing mga babae, it's cute at signs yun of being a gentleman ng mga lalaki. Hindi naman purkit ganun, hampas-lupa na agad sila.
"Ngiti ka ng ngiti dyan. Lalo tuloy akong na-iinlove."
"Tumigil ka nga dyan Justin. Masyado ka ng makeso dyan eh." Tumawa lang siya.
Pinagtitinginan kami ng mga bawat makasalubong namin dito. Nagulat ako nang hawakan niya yung kamay ko.
"Umm, y-yung kamay mo.." Bulong ko sa kanya.
"Pahawak lang. Baka kasi mapunta ka sa iba eh." Naguluhan ako sa sinabi niya. Ano daw yun?
Nakarating na kami sa building ng HRM at Tourism kaya mas lalong tumindi ang mga tumitingin samin. Napapayuko na lang ako. Shems lang, nakakailang. ><
"Oh!" Nakita namin si Lara na papalapit sakin, nagbeso kami. "What a sweet couple!" At tumingin siya sa kamay naming dalawa ni Justin, kaagad kong inalis yung kamay ko. "Sooo? Kayo na?" She asked me while grinning.
"Nako Lara hindi no. Tara na nga!" Hinila ko na si Lara papalayo kay Justin. "Pasok na kami Justin ah. Bye!" Akmang tatalikuran ko na siya pero pinigilan ako ni Justin. Nakalimutan ko pala kasi yung bag ko.
---
"Okay. Both of you may go now." Kaagad kaming lumabas ng room ni Lara. Nahuling matapos si Lara sa pagsagot ng exam pero sabay kaming nagpasa.
"Magkwento ka na dali!" Ayan na naman ang makulit na Lara.
"Same pa rin Lara." Simple kong sagot.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...