*****
Kristoff's POV
Pagtalikod ko sa main door, bumungad na naman sa akin ang magkasalubong na kilay ni Mom.
"Dun ka na naman ba nanggaling ha?" I just kissed her on the cheek and ignored her nagging. Kahit kailan alam kong hindi pupwede kay Mom yun kaya gaya ng inaasahan ko, kinuha niya ang atensyon ko. "Kristoff Pierrr Moñego!"
Naisara ko ang mga mata ko nang tawagin niya ko sa buong pangalan ko. Ano ba ko? Daungan ng mga barko?
"What is it, Mom?" Mahinahon kong tanong matapos kong humugot ng malalim na hininga.
"Ano bang meron dun at palagi ka na lang nagpupunta don ha?! Kayo na ba nun ha anak?!" My jaw reacted for a brief moment. How I wish.
"Mom, let's just call it a day okay? I really want to rest." Maggugood night pa lang sana ako pero lumapit pa rin siya sakin with her hands placed on both side of her waist. "No. We'll talk. Now." I followed her in the living area para matapos na ang pagbubulyaw niya sakin. These past few months, ang hirap na niyang intindihin bigla. I thought of her again after that. Pati siya hindi ko na din maintindihan.
"Anak, sinabi ko naman sayo di ba? I don't like her for you. Hinayaan kitang maging kaibigan yun mula pagkabata. Pati ba naman girlfriend?" She said with frustration.
No matter what she's saying to me right now, I still don't get it. "Mom, I don't really get you. Ano bang ginawa sa inyo ni Judith at ayaw niyo sa kanya bilang girlfriend ko?" I asked, at last.
Umiling-iling si Mom. Mas lalo lang akong naguluhan. "Makinig ka na lang sakin anak. Kung ayaw mong mas maging kumplikado ang lahat." Tumayo siya at iniwan akong nakatingin lang sa kanya.
I knew Mom. She may be the type of mother who always nags even for the smallest of all the smallest things; she's never been the type who's being unresonable. Kahit ganun, naniniwala ako kay Mom. Sana malaman ko lang kung bakit, hindi yung ganito.
Wag lang talaga si Judith. Mahal na mahal ko na siya para itigil ko pa tong panliligaw na ginagawa ko. Especially today dahil miss na miss ko na talaga siya.
I thought about her again. How I miss her smiling face. These days, ilang araw na siyang parang wala sa sarili magmula nung una ko siyang dinalaw. It's already killing me inside. Pakiramdam ko may nagawa akong mali dahil ang cold ng treatment niya sakin. Ilang araw ko na din siyang hindi mayayang magdate dahil din doon.
I sigh when I reached inside my room. One thing that greeted me inside was our promenade picture. Yun ang paborito namin sa lahat ng mga pictures naming dalawa.

Inabot ko na lang ang gitara sa tabi ng kama ko at nagpatugtog ulit ng Bestfriend ni Jason Chen. I'm not really that fond when it comes to love songs. Pero siya palagi ang naaalala ko sa tuwing naririnig ko iyon. My mood's not good today so I need this.
Judith's POV
"Judith, stay away from him. He's not the man for you."
Para kong natanga bigla sa sinabi ni Kuya. Parang sa isang iglap ginawa niyang alikabok yung utak ko dahil bigla na lang itong hindi gumana. Nantitrip lang siya di ba?
"Hindi siya para sakin? Pano mo naman nasabi?" Naguguluhan kong tanong. Ibinalik niya na ang atensyon niya sa mga chess pieces at di na ko tinignan. Parang bigla akong nakahinga ng maluwag sa hindi na niya pagtingin sakin ng seryoso.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...