*****
Saturday
"Please Lara. Tulungan mo naman ako oh." Lumipat ako sa kabilang side ng kama ko at dumapa. Pinaglaruan ko yung hawak kong pen.
["Choc-nut. Kung hindi lang busy ang parents ko, matutulungan kita. Pero kahit mismo ako, hindi sila makausap ng maayos. Daig pa nila si Noynoy sa sobrang pagkabusy."] Bumuntong-hininga ako at wala sa sariling kinagat yung pen na hawak ko.
["I told you, kay Justin ka na lang magpatulong. Kung ayaw mo sa parents mo, then you don't have a choice."]
"Hindi ko ayaw, Lara. Nasa Cebu sina Papa. Tsaka di ba sabi ni Mr. Quimoy, hindi daw pwedeng interviewhin ang sariling magulang. Bwiset naman kasi tong si sir, ang arte." Napasimangot na naman ako sa naalala ko. Pareho din naman kasi yun, ewan ko ba kung bakit may ganun pa siyang nalalaman. Palibhasa kasi mukhang madali na yun para samin dahil mga anak-mayaman kami. Kainis talaga!
Tsaka nahihiya ako kay Justin. Aside sa ayokong makaabala sa kanya, may iba pa kong reason. Nagtanong na siya sakin nung nakaraan kung may maitutulong ba siya kaso nahihiya lang talaga ko sa kanya lalo na sa family niya. Knowing Tito Timothy, allergic pa naman yun sa pagiging masayahin. Buti na lang di nagmana si Justin dun. Haha.
["Eh, yaan mo na Choc-nut. Marami naman tayong kaibigan na pwedeng hingan ng tulong. Kaya kay Justin ka na lang magpatulong kasi!"]
"Ikaw ba? Kaninong company ba ang iinterviewhin mo?" Tanong ko naman. Wala pa kasi siyang nababanggit sakin eh.
["Olivar Corporation!"] Sagot naman niya.
May naisip naman ako bigla. "Okay. Okay. May naisip na din ako." Bumangon agad ako sa kama at lumapit sa salamin para ayusin ang buhok ko. Kanina pa kasi ako nagpapagulong-gulong sa kama. "Talk to you later. Baba lang ako." Nagpaalam na ko sa kanya at inend na yung call.
Pagbaba ko, naabutan ko si Mama na abala sa pagsusulat. Nilapitan ko naman ito.
"Hi, princess. Do you want to eat some cake? Tikman mo yung bagong cake na nagawa ko. Be my critic." Natawa naman ako at agad na lumapit sa fridge.
Inilabas ko yung cake sa fridge at kumuha naman ako ng platito, tinidor, at bread knife. Kumuha ako ng isang slice at kaagad na tinikman yun.
"Ang sarap nito Ma ah. New flavor para sa shop?"
"Yes, princess. After all the experiments, may nakumpleto na naman akong panibagong recipe." Sabi niya habang nagsusulat siya.
"Aah, Ma." She hummed in response. "Hanggang kelan nga po ulit sina Papa sa Cebu?" Kasama din kasi sina Kuya Julian at Ate Julia. Hindi sumama si Mama dahil ayaw niyang iwan ang cakeshop. Hindi din naman ako nakasama dahil may pasok ako. Tsaka for sure about business din ang pinunta nila dun.
"One to two weeks ata sila dun anak. Yun ang sabi sakin ng Papa mo. Bakit mo natanong anak?" Tanong niya habang busy ako sa pagkain ng cake.
"May interview lang po akong gagawin. Si Papa po sana yung iinterviewhin ko. Kaso naalala ko po bigla na hindi daw po pwede ang magulang."
"Ganun ba? Si Justin? Di ba nagmamay-ari ng mall ang family niya?" Hay. Pati din si Mama, si Justin din ang suggestion.
"Nakakahiya po kasi sa parents niya eh." Sagot ko naman.
"How about Kristoff? For sure tutulungan ka nun." Bumilis naman ang tibok ng puso ko at kaagad na naihablot ang baso para makainom ng tubig. After what had happened last time? Hindi ko alam kung kaya ko bang harapin si Kristoff ulit. Nakakahiya! Shet lang! Siya ang.. Siya ang first kiss ko!
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...