Chapter 68

5 1 1
                                    

*****

Lara's POV

I felt like crying right now. Not because of my own life but because of my bestfriend's life. Hindi ako uminom ng marami para maihatid ko siya ng safe. Pero sobrang lakas ng kutob ko ngayon na baka sa bahay ko siya dalhin.

Ibinaba ni Choc-nut yung baso matapos niyang inumin lahat ng laman nun. Tinitigan niya yung baso, "Akala ko ba nakakalimot to ng problema? Andaya ha!" Reklamo niya at akmang kukuha pa ng isang baso. Pinigilan siya ni Carlo. Inaantok naman siyang tinignan ni Choc-nut, "Papalag?"

Napangiwi si Carlo pero hindi pa din inalis ang kamay kay Choc-nut. "Isa. Sige subukan mo." Tumingin sakin si Carlo na ikinangisi ko saglit bago siya sinenyasan. Bumuntong-hininga ito at hinayaan na si Choc-nut. Napangisi naman ang lasing dahil dun.

Kasalukuyan akong umiinom nang biglang magsalita si Choc-nut na ikinabuga ko halos ng iniinom ko. I was laughing while coughing so hard.

Matapos ubusin ni Choc-nut yung laman nung baso, tumingin ito kay Carlo at ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Loves mo talaga ko no? I love you too." Naubo si Carlo habang si Vanessa naman ay napamura. Biglang gumalaw si Loisa na kanina pa mahimbing na natutulog sa hita ko. Bago pa malasing si Choc-nut, naunang tumumba si Loisa. They were actually first timers with their first heartbreaks.

"Fck." Napangisi ako at pinanuod ang eksena ng dalawa. Biglang napalunok si Carlo at nilingon ang kasalukuyang nag-aalborotong si Vanessa.

"Kanako!" Mahinang saway sa katabi na ngayo'y umiirap na sa kanya. Kinurot siya bigla ni Carlo sa pisngi na ikinainis lalo ni Vanessa.

"Ayoko na!" Napalingon kaming lahat kay Choc-nut na biglang sumigaw. Bigla itong tumayo na ikinapanic ko.

"Hoy Choc-nut! San ka pupunta?" Hinawakan ko ito sa kamay na ikinalingon niya naman sakin.

"I wanna see Kristoff. Gusto ko siyang makita dahil miss na miss ko na siya." Hinatak ko siya paupo at bigla na naman itong umiyak. Gosh, ibang klase din pala malasing tong si Choc-nut. Nakakasira ng utak.

"Bestfriend ko lang si Kristoff. Imposibleng magkapatid kami. I need to tell him that." Suminghot-singhot siya. "Kahit kelan hindi nagiging magkamag-anak ang Shokoy at Chanak!" Lumapit si Carlo kay Choc-nut at hinimas ang likod para patahanin.

"Now now, Choc-nut. It's getting late. U-Uwi na tayo?" Binaba ko yung baso ko at sinenyasan ulit si Carlo. Tumango naman siya sakin.

"Kahit ngayon lang, gusto kong makita si Kristoff." Iyak ulit niya. "Miss na miss ko na kasi siya." Bago pa ko maiyak ulit, wala sa sariling nilabas ko yung phone ko at may pinindot na kung ano. Tumaas ang kilay sakin ni Vanessa habang si Carlo naman ay napaangat din ang tingin sakin.

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon