Chapter 11

45 1 0
                                    

*****

Judith's POV

*Yawn!*

Nag-unat unat ako and it feels so good. Though badtrip ako dahil hindi ako nakatulog dahil sa nakakaselos na closeness nina Kristoff at Jolene. This feeling is really new to me. 5am na ata nang makatulog ako.

Naiinis na talaga ko sa sarili ko dahil nararamdaman ko to sa kanya. Bakit kasi siya pa? Sa mismong kaibigan ko pa talaga.

Hindi pala ko nagbreakfast kanina kakamadali sa pagpasok. Pano ba naman kasi, napagtripan pa ko ni Kuya Julian.

Akala ko kasi 2:30 pm na talaga dahil 1pm yung game nina Kristoff. Nataranta tuloy ako sa sinabi ni Kuya tapos yun pala, 11am pa lang nang makarating ako dito sa school. 

Ang tanga ko din kasi. Hindi ko man lang natignan yung oras.

Nagpunta ako sa cafeteria para bumili ng food tapos sa garden ako kakain. Pagkatapos kong bumili, agad akong dumiretso sa garden para kumain. Madami na din ang mga tao sa University.

Nang matapos na ko sa pagkain, chineck ko yung oras.

11:45 am

Umidlip na muna ko.

Nagising ako nang may maramdaman akong umupo sa harapan ko. Naconfirm ko ngang meron nang hawakan niya ang buhok ko.

Napatunghay ako. Ngumiti siya. Nahawaan niya ko kaya ganun din ang ginawa ko.

"Looks like you didn't had a good sleep." I nod, he's right.

"Kumain ka na ba?" Bigla kong tanong. Tumango naman siya.

"You're really stubborn. Are you sure okay ka na?"

I just smile, "Don't worry about me. I'll be fine." I gave him a reassuring smile.

"Papunta pa lang sila. Check your phone." Sinunod ko siya. May text sina Kristoff. Nagpapahintay.

"Galingan niyo mamaya ha." Natawa ko sa sinabi ko, "Este mag-ingat pala kayo. Given na yung kagalingan niyo." He chuckled.

"Pag ginalingan ko ba at nag-ingat ako? May maganda ba kong matatanggap mula sayo?" I laughed.

Magpapalibre ba siya or what? Haha. "Hmm, so what do you want?" Ngumiti na naman siya, kaso napakalapad.

"Just a 'yes'." Kumunot ang noo ko.

"What 'yes'?" Hindi ko gets eh. Yes FM ba? Yes yes yow? Okay ang korni ko.

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at tinignan sa mata. "I like you, Judith. Matagal na. And just a 'yes' for allowing me to court you."

I blinked several times. Wait, kaibigan ko ba to? Si Justin Lorenzo ba to? Yung kaibigan ko for almost 3 years?

He's, he's confessing. A friend of mine confessed to me??

My sweetest and most gentle guy friend is telling me that he likes me!

Unbelivable!

"That's a deal. Pag nanalo kami, I will court you and you will allow me." Ngumiti siya at bago pa ko makapagsalita uli, tumayo na siya at naglakad palayo sakin.

The Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon