*****
Judith's POV
Pwede bang umiyak?
Umiyak sa kilig? Haha.
De joke lang. -_-
Kung di ko lang siya ano talaga, baka kanina pa ko gumawa ng way para makalayo dito.
Ilang minuto na din kaming magkasama. Pero hanggang ngayon, wala kaming ibang ginawa kundi libutin tong mall!
Sa kotse pa lang, nalaman ko na hindi naman talaga ko pinapatawag ni Ate. Inis na inis talaga ko nun.
Flashback
"Uuwi na lang ako!" Pagpaparinig ko. Naka-auto lock kasi yung pinto kaya hindi ako makalabas. Nadala na siguro nung nakaraan na iniwan ko siya.
"M-Magpapasama ako." Kaya ayan, hindi na ko umimik at hinayaan siyang magmaneho na lang.
Kahit pagdating sa mall, hinayaan ko na din siya. Sumunod ako sa kung saan siya pupunta.
After ten minutes
"Pagod na ko! San ba kasi tayo pupunta?" Kumamot siya sa ulo niya at napanganga na lang ako nang magkibit-balikat siya.
Wag niyang sabihing, hindi niya din alam?
Flashback Ended
At ngayon nagpapahintay siya dito sa may gitna ng mall kung san may glass na hawakan at railings. Kung san nakikita ko din yung mga lower and upper floors, di mahulugang-karayom na mga tao, at mga escalators.
Kabanas!
Tumalikod na ko dito dahil nakakalula na tignan.
Hindi kaya iniwan na ko nun??
"Oh." Paglingon ko sa harapan ko, nakita ko si Kristoff at may inaabot sakin.
*O*
Choc-nuts!
"Thank you ha." Rinig kong sambit niya ng pasarkastiko. Napatigil ako dahil hindi ko na namalayan na nahablot ko na sa kanya yung kahon.
Ngumiti na lang ako ng matamis which made him caught off guard.Dati, pag binibigyan niya ko nito, masaya na ko.
Pero ngayon, masaya na may halong kilig.
Acheche! Pigilan mo nga sarili mo Judith!
"S-San mo gusto pumunta?" Nag-aalangan niya pang tanong. Nag-isip na lang din ako at naisipang wag na lang siyang tarayan. Basta tapatan lang talaga ako ng Choc-nuts, nagiging maamong pusa ako. Ay hindi, baka nga dinaig ko pa yung pusa eh.
"Kain na lang tayo sa Shakey's!" Ngumiti siya at niyaya na kong umalis sa pwesto namin. Gusto ko yung pizza nila eh.
Habang naglalakad kami at kumakain ako ng Choc-nuts, nakakita ako ng malalaking mascot nina Stuart, Kevin, at Bob. Ang cute cute!
"Hey!" Nagulat ako nang walang anu-ano'y hinawakan niya ang kamay ko. May kung anong kuryente akong naramdaman. I gulped. Malambot naman kamay ko di ba? "Careful. Baka kung san ka mapunta."
Mukhang wala lang sa kanya yung nangyayari kaya hinayaan ko na lang din. Though nag-iinit yung pisngi ko dahil sa kung anong nararamdaman ko ngayon.
Totoo pala yung mga nababasa ko sa mga libro about sparks at kuryente. Akala ko kabaliwan o ka-OA-yan lang yun.
First time kong makaramdam ng ganitong kaba, and at the same time, saya. Yung tipong ganito lang kami, wala siyang ginagawa, pero masaya na ko. Yung uri ng kaba na mas matindi pa kesa sa pagrereport o pagdedefense.
BINABASA MO ANG
The Hidden Love
Teen Fiction"Should I keep my feelings hidden? or not?" -- Ma. Judith San Mariano Can Love Remain Inside For A Long Time? **** This is a work of pure fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author'...